Categories: Viral

Masaya at magandang pamilya ni James Yap at Michela Cazzola, ating kilalanin!

Taong 2012 pa nang mag-date sina James Yap at Michela Cazzola ngunit taong 2013 lamang nila ito ibinahagi sa publiko ang kanilang relasyon. Agosrto 2016 ay nabiyayaan sila ng isang anak na lalaki na pinangalanan nilang Michael James.


Naging hands-on parents sina James at Michela sa panganay nilang si MJ. Hunyo 2018 naman ay nagsilang muli si Michela ng ikalawa nilang anak na si Francesca Michelle.


Masayang masaya din si MJ dahil sa wakas ay kuya na siya. Munting prinsesa ng pamilya si Baby Francy na talaga namang napaka-cute.


Kahit pa nga 38 taong gulang na si Michela ay aakalain mong dalaga pa rin ang kaniyang pangangatawan. Kahit kasi mga magulang na silang mag-asawa ay hindi pa rin nila pinababayaan ang kanilang mga sarili.
Magkatuwang din sila sa pag-aalaga at pagdidisiplina sa kanilang dalawang anak. Sa edad na apat na taong gulang ay plano na nilang turuan si MJ ng apat na mga lengguwahe.


Ingles ang gamit ngayon ng pamilya at plano din nilang turuan ng Tagalog, Bisaya at Italian ang kanilang panganay na anak. Kahit pa nga maraming mga bali-balitang hiwalay na daw ang dalawa, pinatutunayan pa rin nilang mas nagiging matatag ang kanilang pagmamahalan sa paglipas ng mga taon.


Sa katunayan nga ay lumipad patungong Italya si James upang magdiwang ng Pasko kasama ang kaniyang pamilya sa gitna ng panganib ng pandemya. At talaga namang masayang masaya ang kaniyang mga anak na sina MJ at Francy nang makita siyang muli.


Ang mag-asawang James at Michela ay nagsisilbing inspirasyon para sa maraming mga magulang na maging hands-on din sa kanilang mga anak kahit gaano pa sila kaabala sa kanilang mga trabaho. Gayundin naman ay hindi rin natin dapat kaligtaan na alagaan pa rin ang ating kalusugan at pangangatawan upang mas humaba ang ating buhay upang makasama pa natin ang ating mga mahal sa buhay nang mas matagal.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago