Aktres na si Angel Locsin, ibinahagi sa publiko ang kaniyang farm sa Bulacan at hinikayat niya rin ang maraming mga Pilipino na magtanim ng puno ngayon!



Ibinahagi nga ni Angel Locsin sa publiko ang kaniyang farm sa Bulacan sa kaniyang YouTube channel. Kasama niya rito ang kaniyang fiancé na si Neil Arce. Napag-usapan nila ang kaniyang “passion project”.

Sa ngayon kasi ay abala si Angel sa pagtatanim ng mga puno at pag-aasikaso sa kaniyang farm. “Passion Green” kung kaniyang tawagin hinihikayat ng aktres ang publiko na magtanim ng mga puno upang kahit papaano ay makatulong sa Inang Kalikasan.

Dagdag pa ni Angel, kung walang mga puno ay tiyak na walang ring buhay sa mundong ito. Wala ring ulan, walang punong kakapitan ang ating mga lupa, maging ang hangin na ating lalanghapin ay tiyak na hindi rin magiging malinis.

Hindi rin naman nakalimutan ni Angel na ipaalala sa publiko na ang pagtatanim ng mga punong ito ang pinakamadaling paraan upang matulungan ang ating kapaligiran.



“If you’re looking for a powerful and affordable way to make a positive difference to the environment, go out and plant a tree today.” Pahayag ni Angel.


Ang farm na ito ni Angel ay matatagpuan sa San Jose del Monte, Bulacan. Ang dahilan niya kung bakit siya bumili ng lupa sa Bulacan ay dahil nais niya talagang mag-farm.

Buti na lamang at agad niya itong naipundar dahil sa panahon ngayon ay talagang napakamahal na ng presyo ng lupa.

“Nabili ko na bago pa magbilihan ‘yung mga tao so ewan ko, parang okay din kasi may investment ako dun. Nalaman ko yun, puro officials and politicians and mga big people nandudoon,” Pagbabahagi pa ni Angel.

Nabili daw niya ang lupain na ito dahil sa “swerte” at ngayon nga ay masayang masaya siya dahil sa na-eenjoy niya talaga ang pagpa-farm. Tunay nga na napakagandang investment ng mga lote at lupain. Ngunit kahit pa nga napakarami nang pagmamay-ari ni Angel ay hindi pa rin niya nakakalimutan na tumulong sa kaniyang kapwa at maging ang Inang Kalikasan.




error: Content is protected !!