Naaalala n’yo pa ba ang “Pantasya ng Bayan” na si Joyce Jimenez? Ito pala ang buhay niya ngayon matapos niyang lisanin ang show business!



Bago pa man sumikat ang mga Korean superstars na hinahangaan natin ngayon o ang mga YouTuber na hinahangaan natin ngayon, una na nating nakilala ang “Pantasya ng Bayan” na walang iba kundi ang aktres na si Joyce Jimenez. Dekada 90 nang hangaan siya ng maraming mga Pilipino hindi lamang dahil sa angkin niyang kaseksihan at kagandahan kundi dahil na rin sa napakahusay niyang pagganap sa mga pelikulang kaniyang kinabilangan noon.



Halimbawa na lamang ang pelikula niya kasama ang aktor na si Jomari Yllana na pinamagatang “Warat”. Nakasama din niya si Diether Ocampo sa romantic comedy na mayroong pamagat na “Ano Bang Meron Ka?”

Ang matinee idol naman na si Aga Muchlach ang nakatambal niya sa “Narinig Mo Na Ba Ang L8test?” Kabilang din siya sa mahuhusay na aktres sa pelikulang “Pinay Pie” kasana sina Ai-Ai delas Alas at Assunta De Rossi.


Maliban sa pag-arte ay isa rin siya sa pinakasikat na modelo noon para sa mga men’s magazine. Taong 2007 ang kahuli-hulihan niyang magazine cover sa FHM.




Taong 2008 nang ikasal siya kay Paul Ely Egbalic na isang Fil-Am at miyembro rin ng United States Air Force. Sila ay nagkaroon ng tatlong mga anak na pinangalan nilang Jorja Ely, Jaysen Elise, at Julian Elysson.

Sampu, siyam at anim na taong gulang na ang kanilang mga anak. Ang kanilang bunsong anak na si Julian ang kanilang kaisa-isang anak na lalaki. Dalawa naman sa kaniyang mga anak ay mayroong “Autism” kung kaya naman naging adbokasiya na rin ng dating sexy actress ang pagbibigay ng kaalaman tungkol dito.

Kahit na nga tatlo na ang kaniyang mga anak ay hindi pa rin natin maitatanggi na napakaseksi pa rin talaga ni Joyce. Hindi niya pinabayaan ang kaniyang kalusugan at pangangatawan sa paglipas ng panahon.

Samantala, taong 2016 naman nang huli siyang masilayan ng kaniyang mga tagahanga ng siya ay dumalo sa kasal ng matalik niyang kaibigan na si Ruffa Mae Quinto.




error: Content is protected !!