Panganay na anak nina Buboy Villar at Angillyn Serrano Gorens na si Vlanz Karollyn, usap-usapan ngayon ng marami dahil sa angkin niyang ganda at kabibuhan!



Ang pagiging isang magulang at pagkakaroon ng anak ay talaga namang napakagandang biyaya mula sa Diyos. Hindi man ito madali at talagang nangangailangan ng matinding pasensiya at pagsasakripisyo sa araw-araw, hindi pa rin natin ito kayang ipagpalit sa kahit ano mang bagay.

Photo credit: Angillyn Serrano Gorens instagram

Mahirap man ang buhay, maraming pagsubok at mga bagay na hindi natin talaga maiiwasan, palagi pa rin nating nanaisin na makasama ang ating pamilya lalo na ang ating mga anak. Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang nakapansin sa napakacute at napakabibo na anak nina Buboy Villar at Angillyn Serrano Gorens.

Photo credit: Angillyn Serrano Gorens instagram

Siya ay ang tatlong taong gulang na si Vlanz Karollyn. Madalas magbahagi sina Buboy at Angillyn ng magagandang mga larawan at videos ng kanilang anak sa social media kung kaya naman tila ba naging saksi na rin ang maraming mga netizens sa unti-unting paglaki ni Vlanz.



Photo credit: Angillyn Serrano Gorens instagram


Ilan sa kaniyang mga larawan na kinagiliwan ng maraming mga Pilipino ay ang mga larawan niya habang nag-eenjoy sa swimming pool. Marami din siyang mga larawan habang siya ay masayang naglalaro, at habang nagpapa-cute sa mga selfies.

Photo credit: Angillyn Serrano Gorens instagram

Sino ba namang hindi matutunaw ang puso sa napaka-cute at napakabibo na batang ito? Natural na makulit ang mga bata at talagang malikot ngunit hindi pa rin natin maiaalis ang katotohanan na isang yakap at isang halik lamang mula sa kanila ay kaagad nang nawawala ang ating pagod sa maghapon.

Photo credit: Angillyn Serrano Gorens instagram

Sa kabila nang kumpirmasyon nina Buboy at Angillyn noong Oktubre patungkol sa naging paghihiwalay nila matapos ang apat na taon nilang pagsasama ay pagsisikapan pa rin nilang maging mabuting mga magulang para sa kanilang dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at si George na isinilang sa Amerika noong 2019. Marahil ay mayroon lamang talagang mga bagay na hindi na maaaring ipilit pa ngunit hindi naman ito dahilan upang mabawasan ang pagmamahalan natin sa ating pamilya.




error: Content is protected !!