Categories: Viral

98-anyos na matandang lalaki nakatira sa isang sira sirang bahay na animo’y pugad ng ibon, natulungan at napatayuan na ng isang maayos na bahay!

Maraming mga tao sa ngayon ang talagang hirap na hirap pa rin sa buhay. Hindi lamang dahil sa epekto ng pandemya, kahirapan kundi maging sa mga sakuna at kalamidad ding naranasan natin nitong mga nagdaang buwan.

Tunay nga na marami pa rin ang mga taong nagnanais tumulong sa mga kababayan nating hirap at hikahos sa buhay. Tulad na lamang ng ginawang pagtulong ng ilan nating mga kababayan sa 98 taong gulang na matandang lalaki na nakilala bilang si Tatay Bonifacio mula sa Aklan.

Nasa kalunos-lunos na kalagayan ngayon ang matanda dahil sa kaniyang sira-sirang tirahan na aakalain mong pugad lamang ng isang ibon. Taong 2013 pa nang masalanta ng bagyong Yolanda ang tahanan ni Tatay Bonifacio at mula noon ay nagtiis na siya sa kalagayan ng kaniyang tirahan.


Nang minsang mag-census sa Manggan Banga Aklan ay nagulat sila sa nakitang kalagayan ng matanda. Kung kaya naman agad na tumulongh ang YARP Foundation o ang Yolanda Aklan Reconstruction Program para makapagtayo ng munting tirahan para sa kaniya.

Tumulong din ang sikat na Aklan vlogger at YouTuber na si Archie Hilario o mas kilala bilang “Pobreng Vlogger” dahil sa limitado na lamang ang pondo ng foundation na maaaring maitulong kay Tatay Bonifacio dala na rin ng pandemya. Nag-abot din naman ng tulong ang mag-asawang masugid na tagasubaybay ni Pobreng Vlogger at sila na mismo ang sumagot sa mga materyales para sa maayos na palikuran ng matanda.

At ngayon nga ay napakagandang salubong ng panibagong taon para kay Tatay Bonifacio dahil bukod sa kaniyang maayos na tirahan, palikuran ay marami ding nagbigay sa kaniya ng mga makakain na tiyak na tatagal na ng ilan pang mga araw. Hindi pa rin talaga nawawala ang bayanihan para sa maraming mga Pilipino.

Kahit gaano man kahirap ang buhay natin ngayon at kahit ano pang kalamidad ang ating kaharapin ay mayroon pa ring iilan na tutulong sa atin.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago