Celebrity couple na sina Dani Barretto at Xavi Panlilio, ipinasilip na sa wakas sa publiko ang napaka-elegante nilang tahanan na mayroong minimalist ngunit napakagandang disenyo!



Si Dani Barretto o si Aynrand Danielle Barretto sa tunay na buhay ay ang 28 taong gulang na anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi. Kilala at talagang hinahangaan siya sa mundo ng social media ngunit higit pa roon aa talaga namang kapansin-pansin ang pagiging simple at masayahin niyang tao.



Taong 2019 nang ikasal siya sa kaniyang nobyong si Xavi Panlilio na isang DJ at producer. Ang lote na kinatitirikan ng kanilang tahanan ay regalo pa sa kanila ng mga magulang ni Xavi para sa kanilang kasal.

Natagalan ang mag-asawang ipasilip sa publiko ang kanilang tahanan dahil sa hinintay pa nilang matapos ito ng husto. At ngayon nga ay tapos na ang matagal na paghihintay ng kanilang mga tagahanga dahil ibinahagi na nila sa publiko ang “#THEFAMLILIOHOME”.






Una nang ipinakita nina Dani at Xavi ang kanilang living area o receiving area. Ayon sa kanilang kwento ay mahilig talaga silang tumanggap ng mga bisita sa kanilang bahay kung kaya naman naisipan nilang gawing simple ngunit kapaki-pakinabang ang mga gamit sa bahaging ito ng kanilang tahanan.


Ang kanilang sofa na mayroong “sentimental” na kahulugan para mag-asawang ang naging sentro nito. Ito ang kauna-unahang napundar nila bilang mag-asawa kung kaya naman hinding-hindi nila ito nais ibenta o alisin sa kanilang tahanan.



Matalik na kaibigan ni Dani ang nagdisenyo ng halos bawat sulok ng kanilang bahay at mayroon din namang mga ideya si Dani at ang kaniyang asawa na talagang nagawa rin nila sa bahay nilang ito. Simple ngunit elegante talaga ang kanilang tahanan kahit pa nga minimalist ang tema nito ay mararamdaman pa rin ang “sophistication” sa bawat sulok ng kanilang tahanan.



Ipinakita din naman ni Dani ang ilang mga art works ng mga local artists na kaniyang sinusuportahan. Maging ang kwarto ng mag-asawa ay napakalinis at napakaaliwalas. Walang masyadong gamit ngunit talaga namang bibilib ka sa bawat bagay na nasa loob ng kanilang kwarto dahil sa mga “sentimental value” nito para sa kanilang dalawa.

Sa walk-in closet naman nila ay mas malaki ang sakop na espasyo ni Dani dahil sa dami ng kaniyang mga damit ngunit kapansin-pansin din naman na kakaunti lamang ang kaniyang mga mamahaling sapatos, bag at mga relo. Para kasi kay Dani ay ayaw na ayaw niya talagang gumastos para sa kaniyang sarili.



Mas gusto niyang magbigay ng mamahaling regalo para sa kaniyang mister at sa kaniyang mga mahal sa buhay kaysa bilhin ang mamahaling bagay na gusto niya. Talaga namang nakakabilib ang napakagandang tahanan na ito ng mag-asawa kung saan kasama din nila ang kanilang anak na si Millie.





error: Content is protected !!