Jimuel Pacquiao natagpuan na ang bagong babaneg magpatibok ng kaniyang puso matapos mabigo noon sa relasyon nila ng aktres na si Heaven Peralejo!



Ang pamilya Pacquiao ang isa sa pinakasikat at pinakamaimpluwensiyang pamilya ngayon sa bansa. Hindi lamang dahil sa sobrang yaman nila o di kaya naman ay dahil sa magagara nilang mga sasakyan at mansyon kundi dahil sa pagiging mapagpakumbaba at matulungin nila sa kabila ng kanilang estado sa buhay.

Photo credit: arabelladelro instagram



Batid naman ng maraming mga Pilipino na nagmula sa hikahos at mahirap na pamilya si Sen. Manny Pacquiao ngunit hindi ito naging hadlang upang magsumikap siya ng husto sa buhay at tahakin ang mundo ng pagboboksing kung saan siya nakilala. Hindi lamang ang senador ang hinangaan ng publiko kundi maging ang butihin niyang misis na si Jinkee Pacquiao at ang kaniyang mga anak na sina Michael Pacquiao, Emmanuel Pacquiao Jr, Mary Divine Grace Pacquiao, Queen Elizabeth Pacquiao, at Israel Pacquiao.

Photo credit: arabelladelro instagram




Lumaki man sa karangyaan ng buhay ay nanatiling mga mabubuting bata ang kanilang mga anak. Dahil dito ay maraming mga Pilipino rin ang nagmamahal at sumusuporta sa kanila.



Nito lamang nagdaang taon ay napabalita ang diumano’y relasyon ng aktres na si Heaven Peralejo at panganay na anak ni Sen. Manny na si Jimuel. Marami ang nagulat at talaga namang kinilig dahil sa matamis nilang pagtitinginan ngunit hindi rin ito nagtagal dahil sa nauwi rin ito sa hiwalayan.


Photo credit: arabelladelro instagram



Napansin ng maraming mga netizens ang naging epekto nito kay Jimuel at talaga namang marami ang naawa sa kaniya dahil sa pagkabigo niyang ito. Tila kasi hindi sang-ayon sa kanila ang mundo kung kaya naman napagdesisyunan na lamang nilang maghiwalay upang matapos na ang lahat.



Makalipas ang ilang mga buwan ay naging maugong na naman ang pangalan ni Jimuel dahil sa panibagong babaeng nagpapasaya at nagpapatibok ngayon ng kaniyang puso. Walang iba kundi ang Star Magic talent na si Arabella Del Rosario.

Photo credit: arabelladelro instagram

Una nang nakita ng maraming mga netizens ang larawang ibinahagi ni Jimuel kung saan makikitang mayroon siyang hawak-hawak na kamay ng isang dalaga at tila hahalikan pa niya ang mga kamay na ito. Mayroon din silang palitan ng mga sweet messages ni Arabella kung kaya naman mas tumindi pa ang espekulasyon na magkarelasyon na ang dalawa.

Photo credit: arabelladelro instagram



Bagamat wala pang ano mang komento mula sa magkabilang panig ay masayang masaya ang mga tagasuporta ni Jimuel dahil sa kitang-kita naman sa kaniyang mga mata na talagang maligaya siya sa piling ng dalagang kaniyang napupusuan.





error: Content is protected !!