Mayor Vico Sotto sinagot na ang isang netizen na nakapansin sa pagkakahawig niya sa EXO member at singer na si D.O.!



Isa na yata sa pinakasikat at pinakahinahangaang alkalde ngayon sa buong bansa ang 31 taong gulang na si Pasig City Mayor Vico Sotto o si Victor Ma. Regis Nubla Sotto. Siya ay anak ng dalawang batikang artista na sina Vic Sotto at Coney Reyes.



Marami ang sumasaludo sa kaniya dahil sa kaniyang mahusay na pamamahala sa kaniyang nasasakupan. Hindi lamang siya gwapo at matipuno kundi talagang mayroon ding puso para sa kaniyang mga kababayan.

Kamakailan lamang ay nagbahagi sa kaniyang social media account ang binatang alkalde patungkol sa mga matitigas na ulong Pilipino na nagpaputok pa rin bilang pagsalubong sa Bagong Taon. Nilinaw naman niyang malaki ang ibinaba ng bilang ng mga nakumpiskang paputok na nasa higit Php200,000 na lamang na halaga ng mga maliliit na paputok, halos 3 indibidwal na nasugatan na nasa Pasig City General Hospital na at walang sinuman ang natamaan ng ligaw na bala.




Umani ng maraming mga positibong komento at reaksyon sa publiko ang post na ito ni Mayor Vico. Hindi na mabilang ang mga netizens na bumati sa kaniya dahil sa kaniyang nagawa para sa bayan ng Pasig.


Mayroon din namang isang netizen na talagang pumukaw sa atensyon ng nakararami dahil sa komento nitong miyembro diumano ang alkalde ng EXO na isang South Korean boy band.
“THANK YOU ALL EXO MEMBERS.” Post ng isang netizen sa kaniyang Twitter account.

Agad naman siyang sinagot ni Mayor Vico at sinabing: “Hindi po ako member ng exo.”

Hindi naman magkamayaw ang maraming mga netizens dahil sa malaking pagkakahawig talaga ng alkalde sa EXO member. Pinagkukumpara pa nga ng mga netizens ang larawan nilang dalawa kahit pa ang kuhang larawan noong sila at mga bata pa lamang.

Tunay nga na mapagkakamalan mo talaga silang iisang tao o kaya naman ay magkapatid. Bagamat iginigiit ng maraming mga netizens ang pagkakamukha niya sa EXO member na ito, nananatili pa ring astig at “the best Mayor” si Mayor Vico hindi lamang para sa kaniyang nasasakupan kundi maging sa marami pang mga Pilipino.

Source: Pep




error: Content is protected !!