Vice Ganda, ipinasilip na sa publiko ang napakaganda niyang bagong bahay na mayroong Php4 milyong horse lamp, mamahaling mga kagamitan at swimming pool!



Si Jose Marie Borja Viceral o mas nakilala at hinangaan natin bilang si Vice Ganda ay 44 taong gulang na comedian, talk show host, television presenter, aktor, at singer. Siya ay isa sa mga regular host ng noontime variety show na “It’s Showtime”.

Image Capture of Video by Vice Ganda via Youtube



Nakagawa na rin siya ng ilang mga pelikula kung saan ang walo sa mga ito ay kinokonsiderang “highest-grossing films” ng bansa. Dahil sa tagumpay na kaniyang nakamit hanggang sa ngayon ay talagang marami na rin siyang naipundar at nabiling mga ari-arian.

Image Capture of Video by Vice Ganda via Youtube




Isa na marahil sa mga ito ang kaniyang bagong gawang bahay na ipinasilip niya sa publiko sa kaniyang latest vlog. Kasama ng batikang komedyante ang kaniyang mga kaibigan na sina Negi, Orle at Kitty sa vlog niyang ito na talaga namang hinangaan ng maraming mga netizens.



Image Capture of Video by Vice Ganda via Youtube


“Finally nakalipat na ako ng bahay. Nandidito na ako sa bagong bahay at siyempre gusto kong i-share ito sa aking matatalik na kaibigan para makita naman nila ‘yung pinaghirapan ko at na na-achieve ko kasama sila. At ini-invite ko kayong lahat na pasukin ang aking bahay para ma-i-share ko naman sa inyo,” Pagbati ni Vice sa kaniyang mga kaibigan at mga tagasuporta online.



Image Capture of Video by Vice Ganda via Youtube



Ipinasilip ni Vice ang kaniyang napakalawak na living room, dining room at pool area. Mayroon din siyang mga mamahaling gamit dito at ilang mga likha ng mga sikat na “local artists”.

Isa na marahil sa takaw-atensyong gamit sa kaniyang bagong bahay ay ang “life-sized Moooi horse lamp” na nagkakahalaga ng halos apat na milyong piso. Mayroon din siyang wallpaper ng “Brooklyn Bridge”.

Ang vlog niyang ito ang Part 1 ng kaniyang house tour dahil sa mayroon din siyang bukod na vlog para sa kaniyang walk-in closet at master’s bedroom. Tunay nga na isa si Vice sa pinakasikat at pinakamayamang artista ngayon sa bansa.



Hindi na nakapagtataka ito dahil sa kaniyang pagmamahal sa kaniyang trabaho at mga taong nakikilala niya sa industriyang ito.


Source: Abscbn




error: Content is protected !!