PBB Alumna Kaori Oinuma nagtrabaho muna sa Japan bilang isang caregiver noong siya ay 16 na taong gulang pa lamang bago pa man siya sumabak sa PBB!



Si Kaori Oinuma ay isa sa pinakasikat na housemates ng “Pinoy Big Brother Otso”. Isa siya sa tinanghal na “Big 4” at talaga namang kaagad niyang nakuha ang puso ng maraming mga Pilipino hindi lamang dahil sa angkin niyang kagandahan kundi dahil na rin sa mabuti niyang puso.



Lingid sa kaalaman ng marami ay hindi lamang pala puro ganda ang dalagang ito. Bukod kasi sa pagiging mahusay na artista ay isa rin siyang responsableng anak. Sa naging panayam sa kaniya nina Melai Cantiveros, Karla Estrada, at Jolina Magdangal ay ibinahagi niyang sa edad na 13 taong gulang ay nagagawa na niyang pumasok sa ilang mga summer jobs.




Sa ngayon ay 20 taong gulang na si Kaori at isa na nga siya sa pinakasikat at pinakaaabangan na artista sa telebisyon at pelikula ngayon. Ngunit bago pa man niya makamtan ang kasikatang tinatamasa niya sa ngayon ay tumutulong na pala siya sa kaniyang pamilya sa tuwing bakasyon nila sa paaralan.



Sa edad na 16 taong gulang ay nagawa na rin niyang magtrabaho bilang isang caregiver sa Japan. Hindi niya kailan man kinahiya ang naging trabaho niyang ito na pag-aalaga sa mga matatanda.



Sa murang edad ay ayaw niyang masayang ang kaniyang oras at panahon sa loob lamang ng kanilang tahanan kung kaya naman naisip niyang maghanap ng trabaho kung saan kikita siya at makakaipon siya ng pera para na rin sa kaniyang pamilya. Dagdag pa ng dalaga, natural na lamang sa kaniya ang pag-aalaga ng mga matatanda dahil sa tuwing ginagawa niya ito ay inaalala niya ang kaniyang lolo at lola na pagdating ng panahon ay aalagaan din niya.





Dahil dito ay nagkakaroon siya ng inspirasyon sa kaniyang trabaho kahit na ito ay mahirap. Si Kaori ay isinilang sa Japan ngunit lumaki sa Pilipinas. 13 taong gulang siya ng bumalik sila ng kaniyang ina na OFW sa Japan kung saan niya ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.




error: Content is protected !!