Ruffa Gutierrez, nagpost ng larawan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay habang nagtititigan sinabing wala itong malisya!



Magulo at maingay ang mundo ng show business kung kaya naman marami talagang mga indibidwal ang nagdadalawang-isip na pasukin ito. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay mas nangingibabaw pa rin ang pagnanais nang nakararami na maging matagumpay sa industriyang ito dahil sa mga benepisyong maaari nilang makuha bukod pa rito ang katotohanang mas malaki ang kinikita at mabilisan talaga ang pagyaman ng mga artistang ito.

Photo credit: Philippine Star



Kamakailan lamang ay nasangkot sa isang mainit na kontrobersiya ang aktor na si Derek Ramsay dahil sa bigla na lamang nilang paghihiwalay ng kaniyang dating nobyang si Andrea Torres. Ayon pa sa naging pahayag niya ay hindi ang aktres ang tamang babae para sa kaniya na agad namang umani ng pambabatikos mula sa publiko.

Photo credit: Philippine Star




Marami ang naapektuhan at nalungkot sa balitang ito lalo na sa mga naging tagahanga ang tambalang Derek at Andrea. Samantala, isa na namang nagbabagang balita ang tila gumimbal sa maraming mga netizens dahil sa tila malapit na pagkakaibigan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay.



Photo credit: Philippine Star


Nagbahagi kasi sa kaniyang social media account si Ruffa nglarawan nina Ellen at Derek kung saan tila ba nagtititigan anga dalawa. Umani ito kaagad ng napakaraming mga komento at reaksyon sa publiko dahil sa malaki daw ang posibilidad na magkaroon ng relasyon ang dalawa lalo na ngayon na pareho silang “single”.



Ayon sa naging caption ni Ruffa sa kaniyang post, “walang malisya” ang larawang ito ng dalawa niyang kaibigan na tila hindi naman sinasang-ayunan ng marami. Kasunod din nito ang ilan pang videos kung saan nakaupo si Ellen sa upuan kasama ang ilan pang mga kaibigan nila na tila masayang-masaya.



Photo credit: Philippine Star

“This will be a very interesting evening.”tila pasaring pa ng dating beauty queen. Mayroon din silang video habang kumakanta sila sa bahay ng aktor.

Isa pang larawan ang umintriga sa kanila, ang larawan ni Ellen kasama ang ama ni Derek kung saan nilagyan pa ito ng aktor ng caption na “Close na sila”. Ano na nga kaya ang tunay na estado ng relasyon nina Ellen at Derek?

Source: Facebook






error: Content is protected !!