Prediksyon ni Feng Shui Expert Hanz Cua sa aktor na si Gerald Anderson, posibleng maging ama sa isang baby boy ngayong taong 2021!



Marami ang nagulat at talagang nasopresa sa naging prediksyon ng Feng Shui Expert Hanz Cua patungkol sa aktor na si Gerald Anderson ngayong pagpasok ng taong 2021. Sa naging panayam sa kaniya ng programang “Magandang Buhay” ay ibinunyag niyang ang 31 taong gulang na Fil-Am actor ay isinilang sa Year of the Snake na isa sa mga maswerte ngayong Year of the Ox dahil “very compatible” talaga ang dalawang signs na ito.

Image Capture of Video by ABS-CBN via Youtube channel



“Sa Year of the Snake ngayon, magandang taon ‘to magpakasal, magandang taon ‘to magka-baby. Sa chart po ni Gerald Anderson this year, may tsansa or may possibility of baby boy,” Pahayag ni Master Hanz Cua.
Hindi na lingid sa publiko ang naging kontrobersiyal na hiwalayan nina Gerald at ni Bea Alonzo na diumano ay dahil sa pang-goghosting ng aktor sa huli at sa third party na si Julia Barretto. Kahit pa nga nanatiling tahimik lamang ang kanilang panig ay hindi pa rin maiwasan ng maraming mga netizens ang magalit dahil sa hindi magandang naging karanasan ng kanilang idolo na si Bea.

Image Capture of Video by ABS-CBN via Youtube channel




Samantala, kahit pa nga itinanggi na nina Gerald at Julia ang kanilang relasyon sa publiko ay marami pa rin ang nagsasabing tiyak na mayroong relasyon ang dalawa. Sa katunayan nga ay hinala ng publiko na si Gerald talaga ang lalaki na namataan sa “vacation photo” nina Julia at ng kaniyanag grupo nang minsan silang mag-boodle fight.



Hindi rin naman nakaligtas ang 23 taong aktres sa mga tsismis lalo na ng mapabalita ang diumano ay pagdadalang-tao nito na agad din niyang pinabulaanan. Base na rin sa ibinahagi ni Julia sa kaniyang TikTok account, siya ay “taken” na ngayon at mas gusto niya raw ang “older” at “AFAM” o di kaya naman ay isang “foreigner” na nakatira sa Maynila.




Hanggang sa ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon sa panig ni Gerald o ni Julia patungkol sa mga kontrobersiyang kanilang kinahaharap.



Source: Youtube




error: Content is protected !!