Baron Geisler bago na ang pananaw sa buhay mula nang magkaroon siya ng sarili niyang pamilya, ayaw na ng gulo at basag-ulo!



Si Baron Geisler ay kilala bilang isa sa mga hinahangaang aktor at kontrabida ng kaniyang henerasyon. Talaga naman kasing napakahusay ng kaniyang mga naging pagganap sa mga naging karakter niya sa pelikula man o telebisyon.

Photo credit: Baron geisler instagram



Ngunit kasabay ng kasikatan na ito at tagumpay ay kabi-kabila din ang mga usap-usapan sa mga hindi kanais-nais niyang pag-uugali. Noon kasi ay madalas na laman siya ng mga balita dahil sa basag-ulo o di kaya naman ay dahil sa kawalan niya ng respeto sa ilang mga kababaihan.

Photo credit: Baron geisler instagram

Dahil pa nga sa mga pambabastos niyang ito ay nagawa siyang sampahan ng ilang kaso at ipakulong ng kapwa niya mismo mga katrabaho sa industriya. Ilang mga aktor na din ang kaniyang nakabangga at nakasuntukan.



Naging dahilan ito upang mawalan na rin ng gana sa kaniya ang ilang mga direktor at prodyuser. Humina ang kaniyang mga proyekto at hindi na madalas pang mapanuod sa harap ng kamera.


Photo credit: Baron geisler instagram

Makalipas ang ilang mga taon ay muli natin siyang nasilayan sa “FPJ’s: Ang Probinsiyano” kung saan siya muling hinangaan ng publiko dahil sa nakakamangha niyang pagganap sa kaniyang karakter bilang si “Alyas Bungo”. Minsan na niyang inamin na nakilala na niya ang Panginoon at dito na nagsimula ang pagbabago ng kaniyang buhay.

Sa ngayon ay mayroon na rin siyang sarili niyang pamilya na ayon pa sa 38 taong gulang na aktor ay biyaya sa kaniya ng Diyos. Ayon pa sa kaniyang naging pahayag, mas lumambot na ang karakter niya ngayon kaysa sa dati niyang pagkatao dahil sa ayaw na niya ngayon ng gulo.

Photo credit: Baron geisler instagram

“Nag-soften yung character ko. Hindi na ako maangas. Siguro yung angas na ‘yan, ilalabas ko ‘yan kapag kailangan ng pamilya. Ilalabas ko sa pagbanat ng buto at, siyempre, dahil may anak at asawa na ako, ayoko na ng gulo,” Pahayag ni Baron sa virtual conference nila sa Viva.

“As much as possible, kung may manghahamon sa akin diyan, e, tatakbo na lang ako kasi ayaw natin ng kaaway, lahat kaibigan natin,” dagdag pa niya.




error: Content is protected !!