Netizen inalala ang pagkakasandal sa kaniya ng isang antok na antok na pasahero na minsang nagparamdam sa kaniya na masarap din pala ang mayroong kasintahan!



Isa sa pangunahing sakayan sa ating bansa ang mga pampasaherong dyip. Mas mura kasi ang pasahe dito kung ikukumpara sa mga taxi, bus, traysikel, at iba pang mga pampublikong sasakyan.


Marami ding mga dayuhan ang talagang namamangha sa sasakyan nating dyip. Isa rin ito sa mga bagay na namimiss ng mga kapwa natin Pilipino sa ibang bansa.

Sadyang napakarami na nating alaala sa pampublikong sasakyan na ito. Marahil ay mayroon na tayong nasaksihan na mga magkasintahang nag-away o nagkatampuhan, mga kabataan na nasa unang stage pa lamang ng kanilang ligawan, mga masisipag na magulang na kausap ang kanilang mga minamahal na anak sa kanilang mga cellphone habang sinasabi na mayroon silang dalang pasalubong pag-uwi ng bahay.


Ngunit ang naging karanasan ng netizen na si Arvee Rivera Estacio ay talaga namang kinagigiliwan ngayon ng publiko. Sa kaniya kasing “FB See your memories” ay naroroon ang larawan niya kasama ang isang magandang babae na bigla na lamang napasandal sa kaniyang balikat habang mahimbing na natutulog.

Isang taon na rin buhat nang mangyari ito at nais pa rin niyang makita ang babaeng ito. Ayon pa sa nauna niyang caption ay nagpapasalamat siya dahil kahit sandali ay naranasan niya ito at tila ayaw na niya talagang pumara.
“Ate kung sino ka man, salamat at naiparamdam mo sa akin na kahit sandali lang nagka-jowa ako. Sarap ng tulog mo eh, ayaw ko na yatang pumara,” pahayag ng netizen sa kaniyang viral post.



Umani ng napakaraming komento at reaksyon mula sa publiko ang post na ito, narito ang ilan sa kanila:


“Hahaha, nakakatuwang eksena iyan. Alam ninyo ba, diyan kami nagkakilala ng jowa ko. Napasandal siya sa balikat ko, tapos noong bababa na ako, nagkataon na doon din siya bababa. Nagkakuwentuhan kami, pasensiya na raw kasi talagang antok na antok siya, call center agent kasi. Kinuha ng mokong ang number ko. Tapos iyon, doon na nagsimula hahaha,” pagkukwento ng isang netizen.

“Kakakilig! Ganiyan din ang naranasan ko. Iba nga lang sa akin, kasi nasukahan pa ako, parang tipsy o lasing yata. Buti na lang guwapo siya kundi sapok siya sa akin! Naalala ko lang…” saad naman ng isa pa.

“Minsan may mga ganyan talagang pasahero, yung hindi kayang mapigilan ang sarili sa sobrang antok, kaya napapasandal na lang na hindi nila namamalayan,” pagbabahagi pa ng isa.

Mabigyan na kaya ng pagkakataon ang binata na makilala ang misteryosang babae sa dyip?




error: Content is protected !!