Rica Peralejo inamin sa kaniyang social media post na peke ang gamit niyang designer bag sa isa sa kaniyang mga viral photo online!



Hinahangaan natin ang mga sikat na artista at personalidad sa show business hindi lamang dahil sa kanilang magandang hitsura at pangangatawan kundi dahil na rin sa kanilang panlasa pagdating sa “fashion”. Maraming mga “millennials” sa ngayon ang talaga namang nakaabang sa mga OOTDs ng mga paborito nilang artista at grupo ng mga kilalang personalidad.

Photo credit: Rica Paralejo instagram



Kamakailan lamang ay naging mainit na usapin sa online community ang naging pahayag ng aktres at social media personality na si Rica Peralejo patungkol sa kaniyang pekeng branded bag! Talaga namang napakakomportable ng suot ng aktres na makikita sa kaniyang mga larawan. Inisa-isa pa nga niya ang mga sponsors at pinanggalingan ng kaniyang mga gamit at kasuotan.

“On me: Francesca in utility grey from our #mumxrpbcollection_01, face shield natural, mask din, sandals from @uniqlophofficial and my fake LV bag.” Caption ni Rica sa kaniyang post.




Labis na ikinagulat ng publiko ang huli niyang naging pahayag dahil sa diumano ay pekeng designer bag nito. Batid naman natin na marami talagang mga sikat na celebrities ang nag-iinvest at bumibili ng mga mamahaling gamit nila sa mga kilalang brands na ito mula pa sa ibang bansa.



Photo credit: Rica Paralejo instagram


Kung kaya naman marami talaga ang nagtaas ng kilay ng sa aktres mismo nanggaling ang patungkol sa kaniyang pekeng bag. Idinagdag din niyang hindi siya mahilig sa mga mamahaling gamit, sa katunayan pa nga ay naibenta na niya ang mga mamahaling bags niya noon dahil hindi naman niya nagagamit ang mga ito.



Mas nanaisin pa raw niyang bumili ng “tent” kaysa gumastos ng pera sa mga bag na ito. Inamin din niyang ang naturang bag ay bigay lamang sa kaniya ngunit laking gulat niya dahil bumagay ito sa kaniyang “very Tita Vibes”.



Photo credit: Rica Paralejo instagram

Sari-sari namang mga komento ang sinabi ng mga netizens patungkol sa naging post na ito ni Rica. Si Regina Carla Bautista Peralejo o mas nakilala natin bilang si Rica Peralejo ay 39 na taong gulang na manunulat, content creator, singer at host.

Siya ay ikinasal sa isang Pastor na nagngangalang Joseph Bonifacio at ngayon ay mayroon na silang dalawang mga anak, sina Philip Nathaniel at Manu.




error: Content is protected !!