Ellen Adarna, nabuking na naman na nasa bahay ng aktor na si Derek Ramsay sa ikalawang pagkakataon!



Ilang linggo na ang nakalilipas buhat ng maging mainit na usap-usapan sa social media ngayon ang diumano ay nadadalas na pagbisita ni Ellen Adarna, dating partner ni John Lloyd Cruz sa bahay ng dating nobyo ng Kapuso actress na si Andrea Torres na si Derek Ramsay. Sa pinag-usapang post ni Ruffa Gutierrez ay makikita sina Ellen at Derek na nagtititigan.

Caption pa ng dating beauty queen sa kanilang larawan ay “walang malisya”. Maliban pa rito ay nagbahagi din ang Hunk actor ng larawan ng Ellen at ng kaniyang ama na nilagyan pa niya ng mga katagang “close” na sila sa isa’t-isa at mayroon pang “heart emoji”.

At ngayon nga ay isa na namang video ang pinagkakaguluhan ng publiko dahil sa muli na namang nakita si Ellen sa bahay ni Derek. Nito lamang lunes, Enero 18 habang nasa “One PH’s Sa Totoo Lang virtual interview” sina Ellen at John Estrada para sa papalapit nilang sitcom sa TV5 na “John En Ellen” ay napansin ng “entertainment news anchor” na si MJ Marfori na tila nasa bahay ni Derek si Ellen.
Inaanak kasi ni Derek ang anak ni MJ kung kaya naman pamilyar na siya sa bahay ng aktor. Labis namang ikinagulat ni Ellen ang naging pambubuking na ito.

Maya-maya ay umamin na siyang nasa bahay nga siyang muli ng aktor ngunit agad naman nitong nilinaw na hindi siya nag-iisa dahil marami sila. Maging ang malapit na kaibigan at golf buddy ni Derek na si John ay tila biglang nanahimik na lamang habang nagkakabukingan sa naturang virtual interview.




Kalaunan ay nag-hello na lamang sa kamera si Derek at agad namang umalis matapos sabihin ni Ellen na tiyak na magiging laman na naman silang dalawa ng balita. Ayon naman kay John ay wala namang masama kung magkaroon ng relasyon ang dalawa dahil sa pareho naman silang “single” sa ngayon.




error: Content is protected !!