Isang lalaking nagwawala matapos mahuling walang helmet ang kaniyang backride inulan ng pambabatikos at panghuhusga mula sa publiko!



Madalas tayong makasaksi ng mga away sa lansangan, partikular na ang pagkakaroon ng away ng mga motorist. Maaaring ang away na ito ay laban sa kapwa motorista ngunit minsan ay away ng mismong motorist at ng mga traffic enforcer.

Sa pagpasok ng taong 2021 ay inulan ng batikos at panghuhusga mula sa maraming mga netizens ang video na ito ng isang lalaking nagwawala matapos siyang mahuli ng ilang traffic enforcer. Bagamat mayroon siyang helmet at face mask ay wala namang suot na helmet ang backride niyang babae na kalaunan ay napag-alaman na nobya niya pala.

Nang makita pa ng lalaking ito na tila mayroong kumukuha ng video sa kaniya ay tila nag-Rap pa ito at nag-Ingles kung saan sinasabi niyang hinaharas siya ng mga traffic enforcer. Makikita naman sa naturang viral na video na pilit siyang inaawat ng kaniyang nobya sa kaniyang ginagawa dahil sa talagang nakakahiya ang eksenang kaniyang ginagawa sa tabing kalsada mismo.


Hindi na rin naman nagpapigil pa ang maraming mga netizens sa pagkomento at pagbibigay ng kanilang reaksyon sa naging asal na ito ng lalaki. Ayon sa ilang mga netizens ay tiyak na magiging malamig ang kaniyang “Valentine’s Day” dahil sa tiyak na hihiwalayan siya ng kaniyang nobya sa kaniyang ginawa.




Mayroon din namang nagsabi na dapat na talagang matanggalan ng lisensiya ang lalaking ito dahil sa hindi niya alam ang mga batas na kaniyang nilalabag sa pagmamaneho ng motor at hindi pagsunod sa batas trapiko. Tiyak na magiging aral ito sa mas maraming motorista na magkaroon ng wastong kaalaman sa mga batas trapiko at kung mayroon mang nagawang mali ay tanggapin ang parusang kalakip nito.

Hindi rin tamang idaan ang mga ganitong uri ng insidente sa init ng ulo o sa yabang na mayroon tayo sa ating katawan. May mainam pa ring makipag-usap ng maayos at sumunod sa batas kaysa naman magmukha pa tayong kahiya-hiya sa publiko.




error: Content is protected !!