Xian Gaza, niregaluhan ng isang brand new car ang kaniyang idolong Tiktorist na si Yukii Takahashi na talagang sumorpresa sa publiko!



Marahil ay marami-rami na rin sa atin ang nakakakilala kay Xian Gaza, siya ang tinaguriang Scammer ng Pilipinas. Kamakailan lamang ay muli na naman niyang ginulat ang publiko dahil sa kaniyang pasabog na regalong brand new car para kay Yukii Takahashi na ayon kay Xian ay “one and only crush” niya sa TikTok.

Dagdag pa niya na labis talaga siyang nabighani sa angking kagandahan ng dalaga at sa pambihirang galawan nito sa kaniyang mga TikTok videos. Maaalalang taong 2016 nang regaluhan niya si Liza Soberano, isa sa pinakamaganda at pinakasikat na aktres sa bansa, ng isang portrait artwork.

Inamin ni Xian na ginawa niya ito upang mai-promote ang kaniyang sarili at ang kaniyang media company. Hindi man siya naging malapit sa aktres ay naging magkaibigan naman si ng manager nitong si Ogie Diaz.




Nang sumunod naman taon, Huly0 2017 ay nagpagawa diumano siya ng isang billboard sa Morayta dahil sa pagbabakasakaling mapapayag niya ang aktres na si Erich Gonzales na makipag-coffee date sa kaniya. Ginawa niya ito upang mai-promote ang kaniyang coffee distribution business ngunit hindi rin naging maganda ang resulta dahil dito nagsimulang bansagan siya bilang scammer ng bansa.


Pebrero 2020 naman ay bumili siya ng Ford Mustang para kay Nadine Samonte dahil sa nais niya mai-promote ang kaniyang real estate investment business. Makalipas pa raw ang ilang buwan ay naging sobrang matagumpay na niya sa buhay kahit pa nga raw siya ay isang scammer na nagtatago sa abroad.

Sa ngayon raw ay mayaman at milyonaryo na si Xian kung kaya naman nangako na raw s iya sa kaniyang sarili na hindi na muling gagawa ng “publicity stunt” sa kahit sino pang artista. Ang ginawa daw niyang ito ay wala nang halong business o hidden agenda kundi “pure feelings” na lamang niya.

Ayaw niyang maging stalker sa mata ng kaniyang crush na si Yukii kung kaya naman ibinabahagi niya ito sa publiko. Dagdag pa niya ay nais lamang talaga niyang regaluhan ng brand new car ang kaniyang crush dahil sa ito na ang kaya niya sa ngayon.

Maaari din daw isipin ni Yukii na parang “cake” lamang ito na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang tagahanga para sa kaniyang kaarawan. Umani ng sari-saring komento ang ginawang ito ni Xian.

Source: Facebook




error: Content is protected !!