Yamyam Gucong ibinahagi sa publiko ang kaniyang buhay ngayon sa probinsiya na talaga namang hinangaan ng kaniyang mga tagasuporta!



Marahil ay marami tayong mga takot at pangamba sa ngayon lalo na dahil sa pandemya na tila wala pa ring katapusan. Hindi lamang para sa ating buhay at kaligtasan ngunit maging sa ating mga mahal sa buhay.

Kung kaya naman sa kabila ng maraming mga pagsubok at paghihirap ay marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat sa Diyos. Tulad na lamang ng PBB Otso Big Winner na si Yamyam Gucong o si William Gucong na 27 taong gulang na tubong Bohol.

Kamakailan lamang ay naitampok niya sa kaniyang latest vlog ang buhay niya ngayon sa probinsiya. Maaalalang si Yamyam at Fumiya ng PBB Otso ang ilan sa mga personalidad na talagang hinangaan sa naturang programa.



Bagamat magkaiba sila ng lenggwahe ay naging matalik silang magkaibigan at itinuturing pa nila ang isa’t-isa na “spiritual brothers”. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na si Yamyam sa mula sa isang mahirap na pamilya sa probinsiya kung kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang pagnanais na manalo sa programa.



Nais din niyang maging inspirasyon sa maraming mga Pilipino na hindi masamang mangarap na balang araw ay makakaahon din tayo sa kahirapan. At sa ngayon nga ay mayroon nang sapat na pera si Yamyam upang makapagtayo ng negosyo o di kaya naman ay bumili ng lupa para sa kaniyang pamilya.

Ibinahagi niya sa kaniyang mga tagahanga kung ano nga ang pinagkakaabalahan niya ngayon sa kanilang probinsiya. Mani at mais ang ilan sa mga inani niya ng araw na iyon at talaga namang maaari na nila itong maging pagkain o di kaya naman ay maibenta upang maging pera.

Maliban sa munti nilang sakahan ay mayroon na ring panaderya si Yamyam sa Bohol na mula sa kaniyang naging pagsusumikap sa showbiz. Tunay nga na kung may pangarap ka talaga sa buhay ay walang magiging mahirap o imposible para sa iyo lalo na kung mayroon kang determinasyon at pagpupursigi na makamit ito sa kabila ng napakaraming mga pagsubok sa buhay.




error: Content is protected !!