US Vice President Kamala Harris inihalintulad kay Lisa Simpson ng “The Simpsons” dahil sa magkatulad nilang kasuotan!



Ang “The Simpsons” ay isang American animated sitcom na talagang kilalang-kilala kahit dito sa ating bansa. Ang naturang serye ay patungkol sa isang pamilya na binubuo nina Homer, Marge, Bart, Lisa at Maggie.

Madalas na mapapanuod ang mga American culture parody at maging ang mga nagaganap sa kanilang komunidad. Ayon sa ilang mga netizens ay tila nagkaroon na ng pangitain mula sa seryeng ito sa pagkakahalal ng dating president nilang si Donald Trump.



Photo credit: Leon_Staines / Twitter

At ngayon naman ay muling napukaw ang atensyon ng publiko dahil sa malaking pagkakatulad ng kasuotan at karakter ni Lisa Simpson sa Vice President elect ng Estados Unidos ngayon na si VP Kamala Harris. Sa ika-11 episode kasi ng “Bart to the Future” ay makikita ang kulay lila na kasuotan ng Bise Presidente para sa kaniyang inagurasyon na mayroong ding dalawang bulsa tulad ng kay Lisa.

Photo credit: Leon_Staines / Twitter



Mayroon din siyang suot na hikaw na perlas at kwintas na katulad ng sa karakter ni Lisa. Ang pagkakaiba nga lang nila ay Bise Presidente si VP Kamala Harris habang si Lisa Simpson naman ang kauna-unahang babaeng presidente ng Estados Unidos sa naturang palabas.


Ang kasuotan palang iyon ng VP ay mula sa mga black designers na sina Christopher John Rogers at Sergio Hudson. Ang supt naman niyang kwintas na perlas ay mula kay Wilfredo Rosado na tulad ng VP ay mga imigrante din ang mga magulang.

Nang mapansin ng marami ang kaniyang kasuotan ay nagbiro pa ang VP Kamala Harris at sinabing:
“We inherited quite the budget crunch from President Trump.”

Naging kontrobersiyal at mainit na usapin talaga ang eleksyon na ito sa Estados Unidos dahil isa ito sa pinakamaimpluwensiyang bansa sa buong mundo. Kung kaya naman napakahalaga din ng magiging gampanin ng lider ng bansang ito, ang kanilang presidente at bise-presidente.

Photo credit: Leon_Staines / Twitter

Ano nga kaya ang tunay na dahilan kung bakit tila malaki ang pagkakatulad nina Lisa at VP Kamala Harris? Mayroon nga kaya itong nais ipahiwatig sa atin o sadyang nagkataon lamang talaga?




error: Content is protected !!