Anak ni Assunta De Rossi na itinuturing nilang isang “Miracle Baby”, kinagigiliwan ngayon ng maraming mga netizens dahil sa napakacute niyang mga video at larawan!



Si Maria Assunta Tiotangco Schiavone o mas nakilala ng publiko bilang si Assunta De Rossi ay 37 taong gulang na aktres sa Pilipinas. Siya ang nakatatandang kapatid ng isa pang mahusay na aktres na si Alessandra De Rossi.

Photo credit: assuntaledesma instagram



Ang kanilang natatanging pagganap ay nakatanggap na rin ng ilang mga pagkilala mula sa mga prestihiyosong organisasyon at film festival. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang naging buhay ni Assunta.

Naging kontrobersiyal at usap-usapan noon ang naging pagpapakasal nila ng pulitiko na si Jules Ledesma taong 2004. Hindi akalain ng marami na talagang magiging matatag ang kanilang pagsasama hanggang sa ngayon.

Photo credit: assuntaledesma instagram



Matagal din nilang sinubukan at pinangarap ang magkaroon ng sarili nilang anak ngunit hindi nabibigyan ng pagkakataon ang aktres. Hindi nga rin niya lubos akalain na mabubuntis pa siya sa natural na pamamaraan na hindi na nangangailangan pa ng teknolohiya o di kaya naman ay “surrogate mother”.


Photo credit: assuntaledesma instagram



Taong 2020 ay ginulat ni Assunta ang publiko dahil sa pagbabalita niya na siya nga ay nagdadalang-tao na. Oktubre 23, 2020 nang isilang niya ang kaniyang “miracle baby” na si Baby Fiore.

Kamakailan lamang ay talagang kinagiliwan ng maraming mga netizens ang sanggol dahil sa napaka-cute niyang mga larawan at mga video. Tatlong buwang taong gulang na siya ngayon at talaga namang napakabilis ng panahon, kitang-kita naman sa video na ibinahagi ni Assunta sa kaniyang social media account ang napakagandang ngiti ng kaniyang anak.

Photo credit: assuntaledesma instagram

Ayon pa sa pabirong caption ng aktres sa kaniyang post, ang napakagandang ngiti ng kaniyang anak ay tila ba ngiting nakita ang crush. Tila hindi pa handa si Assunta sa ganitong usapin kung kaya naman baka naman daw maaaring 50 taon mula ngayon na lamang magkaroon ng crush ang kaniyang anak.

Hindi naman ito pinalampas ng maraming mga netizens dahil maging sila ay mayroon ding kaniya-kaniyang komento at reaksyon sa napaka-cute na si Baby Fiore.






error: Content is protected !!