Throwback photos ni Megastar Sharon Cuneta pumukaw sa atensyon ng publiko dahil sa walang kupas niyang kagandahan mula noon hanggang ngayon!



Maraming mga nagnanais na pasukin ang industriya ng show business ngunit hindi lahat ay nabibiyaan ng pagkakataong maging isang sikat na artista sa loob ng mahabang panahon. Karamihan sa ating mga artista ngayon ay nagsimulang pasukin ang industriya ng show business sa murang edad.

Photo credit: Sharo Cuneta instagram



Ilan sa kanila ay mayroon pa ring magandang karera hanggang sa ngayon samantalang ang iba naman ay nagkaroon na ng sarili nilang pamilya o di kaya naman ay tumahak ng ibang landas. Isa na marahil sa pinakasikat na artista sa showbiz mula noon hanggang ngayon ay si Megastar Sharon Cuneta.

Photo credit: Sharo Cuneta instagram

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay 55 taong gulang na aktres, singer, television host, at commercial endorser. Lumipas man ang maraming taon ay hindi maipagkakailang isa siya sa may pinakamagandang mukha sa industriya.



Photo credit: Sharo Cuneta instagram


Sa edad na 12 taong gulang noong taong 1978 ay napamangha niya ang maraming mga Pilipino dahil sa napakaganda niyang boses at maamong mukha. Mas minahal siya ng publiko dahil sa kaniyang awitin na Mr. DJ na hanggang sa ngayon ay talagang nasa puso pa rin ng maraming mga Pilipino.



Photo credit: Sharo Cuneta instagram

Nang dekada ’80 naman ay talagang napukaw ang atensyon ng publiko dahil sa pambihirang talento niya sa pag-arte. Nakatanggap siya ng maraming mga pagkilala at parangal hindi lamang sa pag-awit kundi maging sa kaniyang mahusay na pagganap sa mga karakter niya sa mga teleserye at pelikula.

Photo credit: Sharo Cuneta instagram

Ang tambalan nila ng dati niyang asawa na si Gabby Concepcion ay talagang hinangaan ng maraming mga Pilipino. Hindi naman naging matagumpay ang pagsasama nila ni Gabby ay nabiyayaan naman sila ng isang napakagandang anak na si KC Concepcion na isa na ring matagumpay na businesswoman at singer.

Photo credit: Sharo Cuneta instagram



Sa ngayon ay hinahangaan pa rin ng publiko ang pambihirang talento ni Megastar Sharon Cuneta gayundin naman ang walang kupas niyang kagandahan na mula noon hanggang ngayon ay patuloy pa ring bumibighani sa ating lahat.




error: Content is protected !!