John Lloyd Cruz at anak niyang si Elias Modesto, namataan sa isang video habang masayang nakasakay sa isang motorsiklo



Naging kontrobersiyal at mainit na usap-usapan ang naging pagsisimula ng relasyon nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, bagamat pareho naman silang “single” ng mga panahong iyon ay hindi nila isinapubliko ang tunay nilang relasyon at maging ang naging pagbubuntis noon ng aktres sa kanilang anak na si Elias Modesto. Kahit pa nga mayroon silang kasalukuyang proyekto noon ay basta na lamang nila itong iniwanan kung kaya naman ang naging malaking tanong ng maraming mga Pilipino ay ano nga ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa.



Makalipas ang ilan pang mga buwan ay nalinawan na ang publiko dahil sa wakas ay umamin na ang dalawa na sila nga ay nagkaroon ng relasyon at nagkaanak. Ngunit makalipas ang ilan pang mga buwan ay bigla na lamang lumabas ang usap-usapang hiwalay na ang dalawa.


Sa kabila nito ay nananatili pa rin silang magkatuwang para sa kanilang anak na si Elias Modesto. Mamamataan sa ilang mga social media post nina Ellen at John Lloyd na bagamat hindi na sila nagsasamang dalawa at palagi pa rin silang nasa tabi ni Elias.



Nariyan ang ilang mga bakasyon ni Ellen kasama ang kaniyang anak gayundin naman ay namamataan din si John Lloyd na kasama ang kaniyang anak sa ilang mga okasyon. Kamakailan lamang ay namataan ang aktor kasama ang kaniyang anak na si Elias habang masaya silang nakasakay sa isang motorsiklo.




Kitang-kita sa kanilang mga mata ang kasiyahan habang iniikot nila ang tila isang sabdibisyon sakay ng isang motorsiklo. Todo ang ngiti ni John Lloyd na may halong pananabik sa kaniyang anak dahil hindi naman din araw-araw ay magkasama silang dalawa.

Maraming mga netizens ang nagkomento patungkol sa pagiging mabuting ina ni Ellen dahil sa kabila ng nangyari sa kanilang relasyon ay hindi pa rin niya pinipigilan ang kaniyang anak na makita at makasama ang kaniyang ama.




error: Content is protected !!