Categories: Viral

Netizen na umorder ng PS5 online sa halagang Php40,000 nakatanggap ng isang lumang monitor mula sa scammer na seller!

Marami na tayong nababalitaan na mga naloko ng ilang mga online sellers. Madalas kasing bumibili tayo ng ilang mga gamit at pangangailangan natin online.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi lahat ng mga online sellers ay matapat sa kanilang kapwa. Mayroon kasing ilang mga insidente kung saan ang mga customers ay nagugulat na lamang na iba pala ang laman ng binili at binayaran nilang “package”.

Kamakailan lamang ay naging viral ang video na ito mula kay Jeff Mallari. Makikita sa video ang isang delivery rider na nagbubukas ng isang nakabalot na kahon.

Ayon sa naging pahayag ng mismong kumukuha ng video ay mayroon silang kutob na hindi talaga PS5 ang laman ng dumating nilang order dahil sa napakagaan talaga nito. Hindi rin pumayag ang seller na makita muna niya ang produktong kaniyang babayaran bago niya ipadala ang kaniyang Php40,000.


Dahil dito ay naiipit ang delivery rider dahil sa hindi rin siya makaalis hangga’t wala pa ang bayad sa “package” na kaniyang idineliver. Kung kaya naman napagdesisyunan nang lalaki na siyang kumukuha ng video na dalhin sa barangay ang delivery rider at doon makita kung ano ba talaga ang laman ng kahon na ito.

Mayroon din silang kasamang mga witness o saksi na mga tanod ng naturang barangay upang patotohanan ang pagkuha ng video sa binubuksang “package”. Unti-unting binuksan ito ng delivery rider at ipinaalala pa sa kumukuha ng video na kung totoong PS5 ang laman nito ay kailangan nilang bayaran ang Php40,000 na agad agad namang sinang-ayunan ng lalaki sa likod ng kamera.

Nang makita na laman ng naturang kahon ay talagang nagulat sila dahil sa hindi pala totoong PS5 ang laman nito kundi ilang mga styro at isang lumang monitor! Talaga namang dapat na mas maging maingat tayo sa mga ganitong klase ng modus lalo na sa gitna ng pandemya na patuloy pa rin nating nararanasan.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago