Fiancé ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo hindi na napigilan pang mapaluha nang mabasa ang ginawang liham ni Andi para sa kaniya bago pa man siya makapanganak!



Si Andrea Nicole “Andi” Guck Eigenmann ay 30 taong gulang na actress at modelo sa Pilipinas na labis na hinangaan ng publiko dahil sa pambihira niyang husay sa pag-arte lalo na sa mga horror movies. Siya ay anak ng mga batikang artista na sina Jaclyn Jose at ng yumaong si aktor na si Mark Gil.

Photo credit: Happy Islanders instagram

Hinid naging madali para kay Andi ang pagiging isang artista dahil marami siyang kailangang isakripisyo at dumating din sa punto ng kaniyang buhay na tila ba parang may kulang at hindi na siya masaya. Nagbakasyon din siya ng maikling panahon at sinubukang hanapin ang kaniyang sarili.

Photo credit: Happy Islanders instagram

Nang makilala niya ang professional surfer na si Philmar Alipayo ay tila nahanap na niya ang nawawalang bahagi ng kaniyang sarili. Marami ang nakapansin na mas naging masaya si Andi at mas naging kuntento siya sa buhay.



Photo credit: Happy Islanders instagram


Sa katunayan pa nga ay mas pinili niyang manirahan sa isla ng Siargao kasama ang kaniyang anak at ang kaniyang fiancé na si Philmar, malayo sa maingay at magulong mundo ng show business. Sa lugar na ito nila masayang binuo ang kanilang lumalaking pamilya.

Photo credit: Happy Islanders instagram

Sa ngayon ay hindi na ganoon kaaktibo si Andi sa paggawa ng mga pelikula at teleserye ngunit madalas pa rin siyang mapanuod ng publiko sa kanilang YouTube channel na “Happy Islanders”. Tampok sa vlog nilang ito ang simpleng pamumuhay ng kaniyang buong pamilya sa isla ng Siargao.

Photo credit: Happy Islanders instagram

Inspirasyon din silang maituturing sa mga magulang na nais turuan ang kanilang mga anak na maging responsable at makuntento sa simpleng pamumuhay. Kamakailan lamang ay naisilang na ng maluwalhati ni Andi ang ikatlo niyang anak na si Baby Koa, pangalawang anak nila ni Philmar.

Ang panganay na anak ni Andi na si Ellie ay anak niya sa dati niyang nakarelasyon na si Jake Ejercito. Panganay naman nila ni Philmar si Baby Lilo.

Sa isinulat na liham ng aktres para sa kaniyang mapapangasawa ay hindi na nagawa pang pigilan ni Philmar na maiyak at maging emosyonal. Sa liham kasi ni Andi para sa kaniya ay ipinabatid niya rito kung gaano siya kaligaya sa piling ni Philmar at kung gaano siya nagpapasalamat sa pagmamahal at suportang ibinibigay sa kaniya nito.




error: Content is protected !!