Nobyo, nahuli ang kaniyang kasintahan na mayroong kasamang ibang lalaki habang natutulog sa kanilang kama nang siya ay umuwi sa kanilang bahay!



Marami ang magpapatotoo na ang isang relasyon ay talagang magiging matagumpay kung mayroong pagmamahal at respeto sa isa’t-isa. Tiyak na magtatagal ang isang relasyon kung pag-iingatan ito ng dalawang taong nagmamahalan.

Ngunit nakakalungkot lamang malaman na hindi lahat ng relasyon ay nagtatagal at hindi lahat ay mayroong “forever”. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang post na ito ng isangnetizen dahil nang makita niya ang kaniyang nobyang may kasamang iba sa kanilang kapwa ay hindi ito kaagad na nagalit o nagwala, bagkus ay naging kalmado ito at kinuhanan pa ng ilang mga larawan ang kaniyang nobya kasama anag ibang lalaki.

Ang netizen ay walang iba kundi si Duston Holloway na hinangaan ng publiko dahil sa nagawa pa niyang maging kalmado at mag-selfie nang mahuli ang kaniyang minamahal katabi ang ibang lalaki! Ayon sa inilagay niyang caption sa kaniyang social media post ay umuwi sa kanilang bahay ngunit nadatnan na lamang niya ang kaniyang minamahal na mayroong katabing ibang lalaki sa kanilang kama.



“Good men deserve good women.” Ang ilan sa mga katagang talagang tumatak sa maraming mga netizens.


Umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang viral post na ito ni ni Duston. Marami ang pumuri at humanga sa kaniya dahil sa pagkuha lamang ng ilang mga larawan ang kaniyang ginawa at saka niya ito ibinahagi sa kaniyang social media account.

Kadalasan kasing magwawala o di kaya naman ay gagawa ng hindi maganda ang mga taong makakaranas nito. Lalo na at hindi talaga katanggap-tanggap ang ganitong sitwasyon lalo na para sa mga kalalakihan.

Sa kabila ng kabiguan na ito ay naging mapagpasalamat pa rin siya dahil sa wakas ay hindi na siya magtitiis pa sa isang maling relasyon, mas mayroon na siyang panahon upang mahanap ang babaeng magmamahal sa kaniya ng wagas at tiyak na hindi na niya mararanasan pa ang kabiguang tulad nito.




error: Content is protected !!