Ion Perez nagsalita na patungkol sa mga taong nanghuhusga at nagsasabing lolokohin lang daw niya ang kasintahan na si Vice Ganda!



Kung mayroong mga taong humahanga sa pagmamahal nina Vice Ganda at Ion Perez ay marami din namang mga tao na hindi pa rin nagsasawa sa panghuhusga at pagsasabing hindi naman talaga kayang mahalin ni Ion Perez ang komedyante at sasaktan lamang niya ito pagtagal. Nagsimula sa pag-aasaran, hanggang sa maging malapit na magkaibigan at ngayon ay isa nang ganap na magkasintahan.



Iyan ang simple ngunit nakakakilig na kwento ng pag-iibigan nina Vice Ganda at Ion Perez. Nasaksihan naman nang maraming mga tagasubaybay ng programang “It’s Showtime” kung paano unti-unting nabuo ang matamis na pagtitinginan ng dalawa.


At nang sila nga ay umamin na patungkol sa kanilang tunay na relasyon ay talagang marami ang natuwa ngunit mas marami din naman ang tila ba hindi masaya sa kanila. Hindi na nga naawat pa si Ion dahil sa marahil ay napuno na rin siya sa mga panghuhusga at masasakit na salitang naririnig niya mula sa mga netizens patungkol sa tunay niyang intensyon kay Vice.



Ayon sa naging post niya sa kaniyang social media account kalakip ang larawan nilang dalawa ni Vice ay sinabi niyang bago man lamang sana sabihin ng publiko na lolokohin niya ang sikat na komedyante ay isipin muna sana nilang mayroong isang “Nanay Rosario” siyang kinausap sa sinabihan na mahal na mahal niyang talaga ang anak niyang si Tutoy. Umani naman ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa publiko, may mga nagsasabing hindi naman talaga dapat na husgahan nila ang nararamdaman ng dalawang taong nagmamahalan.


Sa sitwasyon naman nina Vice at Ion ay makikita naman talaga sa kanilang mga mukha ang kaligayahan na naidudulot sa kanila ng kanilang pag-ibig sa isa’t-isa kung kaya naman sa halip na magkalat ng hindi magagandang mga salita ay maging masaya na lamang sana tayo para sa dalawang taong nagmamahalan. Si Jose Marie Borja Viceral o mas nakilala ng publiko bilang si Vice Ganda ay 44 taong gulang na komedyante, singer at host.



Isa siya sa pinakasikat na personalidad ngayon sa bansa dahil na rin sa dami ng kaniyang mga naging blockbuster na pelikula at mga proyekto.




error: Content is protected !!