Lovely Abella ibinahagi ang kaniyang naging karanasan noon nang madiskubre niya na ang tumayong Kuya niya pala ay kaniyang “biological father”!



Hindi lamang mga kapwa niya celebrity ang bumati sa naging pag-iisang dibdib nina Lovely Abella at ng kaniyang mister na si Benj Manalo, anak ng Eat Bulaga host na si Jose Manalo. Marami din sa kanilang mga tagahang a at tagasuporta ang talagang nagpahatid ng kanilang pagbati para sa bagong kasal.

Image by Lovely Abella via Instagram

Naging usap-usapan din ang naging regalo ng kaibigan ni Lovely na si Kathryn para sa kaniya. Niregaluhan kasi siya ng huli ng isang napakagandang wedding gown.

Tinanggihan niya ito nang una ngunit naging mapilit si Kathryn kung kaya naman tinanggap na rin niya at labis na pinasalamatan ang kaniyang kaibigan. Naibahagi din ni Lovely sa kaniyang social media post ang tungkol sa kaniyang naging “first dance”.

Naging tradisyon na kasi natin ito kung saan unang isinasayaw ng ama ang kaniyang anak bago pa niya ito ibigay sa kaniyang bagong asawa. Ayon sa naging kwento ng aktres, hindi niya alam noon na ang itinuturing niya palang Kuya ay kaniya palang tunay na ama.



Image by Lovely Abella via Instagram


Noong una ay hindi pa sila magkasundo ngunit kalaunan ay nalaman niyang bumabawi pala ang kaniyang ama sa mga naging pagkukulang nito sa kaniya.

“Lumipas ang panahon ‘di man kami nagkasama nang matagal, ‘di man niya ako inaruga, ‘di man niya ako nabigyan ng magandang edukasyon, ‘di man niya nabigay lahat ng gusto ko, ‘di man niya naituro sakin kung ano ang tama sa mali pero ramdam kong MINAHAL niya ako,” pahayag ni Lovely.

Dagdag pa niya, napatunayan niyang kahit ano ang galit ang nararamdaman mo para sa isang tao, talagang mangingibabaw pa rin ang pagmamahal at pagpapatawad sa iyong puso. Nagawa niyang patawarin ang kaniyang ama at ngayon nga ay masayang masaya siya dahil sa nakasama pa niya ito sa kaniyang kasal.

Kung kaya naman para sa mga taong tulad ni Lovely ay nasaktan din ng kanilang pamilya o ng kanilang minamahal, sana ay matagpuan din natin sa ating mga puso ang pagmamahal at pagpapatawad para sa kanila para na rin sa ikasasaya at ikapapayapa ng ating mga kalooban.




error: Content is protected !!