“FPJ’s: Ang Probinsiyano” star na si Yassi Pressman ibinihagi sa publiko ang mga larawan ng kaniyang mga alagang ahas!



Si Yasmin Isabel “Yassi” Yasto-Pressman ay 25 taong gulang na Filipino-British model, actress, television personality, singer at dancer. Noon pa man ay marami na ang kaniyang mga tagahanga dahil sa angkin niyang husay sa pagsasayaw.

Photo credit: yassipressman instagram



Hindi lamang siya magaling sumayaw sa entablado kundi talagang mararamdaman mo rin ang pagmamahal niya sa larangang ito. Dahil sa katangian niyang ito at sa angkin niyang kagandahan ay napabilang siya sa mga karakter ng pinakasikat na palabas ngayon sa telebisyon, ang “FPJ’s: Ang Probinsiyano”.

Photo credit: yassipressman instagram

Gumanap siya bilang si Alyana Dalisay na asawa ng karakter ni Coco Martin na si Cardo Dalisay. Maliban sa hilig niyang pagsayaw at pag-arte ay isa rin siyang “certified animal lover”. Ayon sa ilang mga ulat, nagsimula ang paghanga at interese ni Yassi sa mga ahas nang minsang makita niya ang iniregalong ahas ni Michael De Mesa kay Coco Martin.



Hinawakan at nilaro niya ito at talagang nagulat siya dahil sa nagawa nitong buhayin ang kaniyang takot at “excitement” ng sabay. Mula noon ay talagang naingganya na siyang mag-alaga ng mga ahas.
Nang minsang bumisita si Yassi sa programang “Tonight With Boy Abunda” ay isinama pa niya ang kaniyang paboritong ahas na si “Fluppy”. Siya ay isang ball phyton na isang uri ng ahas na walang venom.


Photo credit: yassipressman instagram

Binili niya ito sa isang lehitimong veterinarian kung kaya naman talagang ligtas ito. Maaari ding mabuhay hanggang 30 taon ang mga ahas na ito. Isa rin itong ahas na mahilig sa tubig at kapansin-pansin rin ang pagiging isang “albino” nito.

Photo credit: yassipressman instagram

Bagamat mukhang madaling hawakan at alagaan ang mga alagang ito ng aktres ay hindi pa rin maalis ang takot ng host ng programa na si Boy Abunda kung kaya naman hindi niya talaga nagawang lumapit. Samantala, madalas namang nagbabahagi si Yassi ng mga larawan niya at ng kaniyang alagang ahas sa kaniyang social media account na umaani ng maraminmg “likes” at reaksyon mula sa mga netizens.




error: Content is protected !!