Mark Herras at Nicole Donesa, masayang ipinakilala sa publiko ang panganay nilang anak na si baby Corky!



Madalas nating inaabangan ang mga sikat at paborito nating artista na magkaroon ng kanilang sariling pamilya. Ang pagbuo nila ng pamilya lalo na ang pagkakaroon nila ng mga anak ang talaga namang isa sa pinakamagandang biyaya na maaari nilang matatanggap sa kanilang buhay maliban na rin sa pagiging matagumpay nila sa kanilang napiling propesyon.

Photo credit: herrasmarkangel instagram



Marami man ang nagulat nang aminin ng aktor na si Mark Herras at Nicole Donesa ang tunay nilang relasyon ay mas marami din naman ang sumuporta sa kanilang dalawa. At sa ngayon nga ay mayroon na silang anak at pinangalanan nila siyang Baby Corky.

Masayang masaya sina Mark at Nicole dahil sa wakas ay makakapiling na nila ang kanilang munting supling. Ibinahagi nilang dalawa sa kanilang mga social media accounts ang ilang mga larawan ng kanilang anak na si Mark Fernando Donesa Herras o si baby Corky.

Photo credit: herrasmarkangel instagram



Enero 31, 2021 nang magsilang si Nicole ng isang malusog na batang lalaki na talaga namang napaka-cute base na rin sa naging post ng aktor! Nagbahagi din naman ng ilang mga larawan sa kaniyang social media account si Nicole kung saan makikita kung gaano kasabik at kasaya si Mark dahil sa wakas ay nasilayan na nila ang kanilang anak.


Hindi madali ang pagbubuntis o ang panganganak para sa mga kababaigan ngunit talaga namang napapalitan lahat ng hirap at sakit kapag naisilang na ang munting anghel na matagal nilang inalagaan sa kanilang sinapupunan. Marami din naman ang bumati kina Mark at Nicole tulad na lamang ng ilan nilang mga katrabaho sa industriya at maging ang kanilang mga tagahanga.

Photo credit: herrasmarkangel instagram

Tiyak na magiging mabuting mga magulang sila kay Baby Corky. Ilang araw pa lamang ang nakararaan mula nang isilang siya ngunit marami na ang nakapansin sa napaka-cute niyang mukha na tiyak na namana niya mula sa maganda niyang mommy at gwapo niyang daddy.




error: Content is protected !!