Nagkita makalipas ang 20 taon ang dating “childhood sweethearts” na ito, hindi nila akalain na mauuwi pala sa kasalan ang muli nilang pagkikita sa pagkakataon na ito!



“Puppy love”, “infatuation”, “crush” – yan ang mga salitang madalas natin marinig sa ating mga kaibigan o kakilala. Hindi na rin bago sa atin ang mga cute na batang pinagpapartner mismo ng kanilang mga magulang sa ilang mga patimpalak, school events o kahit pa sa mga sagala.

Photo credit: Cebu Daily News



Ito rin ang naging simula ng nakakakilig na kwentong pag-ibig ng mag-asawang Edil John Lanticse at Melody Garcia Lanticse. “Childhood sweethearts” silang dalawa noon ngunit nang kinailangang lumipat ng tirahan nina Melodie ay nawalan na rin sila ng komunikasyon. Sinong mag-aakala na makalipas ang halos dalawang dekada ay muli silang magkikita at ang pagkikita nilang ito ay magiging dahilan upang magkamabutihan silang muli at kalaunan ay magpakasal.

Kamakailan lamang ay naging viral ang kwento ni Edil at Melodie na kapwa 32 taong gulang na. Ikinasal sila sa Cebu City nito lamang Enero 28, 2021.




Mayroong larawan ang bagong kasal noong mga bata pa sila kung saan makikitang tila nagnanakaw ng halik si Edil kay Melodie. Muli nilang ginawa ito at ngayon nga ay sa kanila mismong kasal.



Photo credit: Cebu Daily News


Marami ang kinilig sa kanilang kwento. Ibinahagi ni Melodie na pareho silang pumasok sa iisang eskwelahan ni Edil noon ngunit nito lamang 2017 nang muli silang nagkita.



Sa Facebook sila muling nagkaroon ng komunikasyon ngunit bilang isang magkababata o magkaibigan lamang. Dahil sa naging komunikasyon at pag-uusap nila ay muling nabuhay ang matamis na pagtingin nila sa isa’t-isa.



Ngayon nga ay talagang masayang masaya silang dalawa dahil sa muli silang nagkita at napatunayan na “worth the wait” talaga ang kanilang pagmamahalan. Dahil sa kwento nilang ito ay mas marami pa ang nagkaroon ng pag-asa na bagamat hindi nila hanapin ang taong makakasama nila sa habang-buhay ay talagang gagawa pa rin ng paraan ang tadhana upang magtagpo sila at maisakatuparan ang guhit ng kanilang palad.

Talaga nga namang may “forever”, hindi ba?




error: Content is protected !!