Ex-PBB housemate na si Baninay Bautista naging emosyonal nang ibahagi sa kaniyang vlog ang paghihiwalay nila ng nobyo niyang YouTuber!



Sa tuwing sasapit ang araw ng mga puso, marami sa ating mga Pilipino ang naglalaan ng oras at panahon upang maiparamdam sa ating mga minamahal na naaalala natin sila at labis natin silang pinahahalagahan. Mayroong nagbibigay ng mga bulaklak o di kaya naman ay tsokolate para sa kanilang nobya o misis habang ang iba naman ay bumibili ng mga espesyal na regalo para sa kanilang nobyo o mister.

Image Capture of Video by Baninay Bautista via Youtube



Ngunit paano na lamang iyong mga taong “single” o walang karelasyon? Tiyak na mas malulungkot sila sa araw na ito ngunit palagi rin namang naririyan ang kanilang pamilya at mga kaibigan para sa kanila.

Hindi lamang sa araw na ito kundi sa araw-araw na biniyaya ng Diyos sa kanila. Maging ang mga hinahangaan nating artista at personalidad sa telebisyon ay nakakaranas din ng ganitong mahirap na sitwasyon.

Tulad na lamang halimbawa ng dating Pinoy Big Brother na si Baninay Bautista. Hindi niya na napigilan pa ang kaniyang matindi emosyon at napaiyak na nga siya habang nagkukwento siya sa naging paghihiwalay nila ng kaniyang dating kasintahan na si Bont Bryan Oropel, isa ring YouTuber tulad niya.



Talagang may panghihinayang ang mga naging pahayag ni Baninay sa kaniyang vlog dahil sa nagtapos nilang relasyon na tumagal din ng halos dalawang taon. Siya diumano ang pangarap niyang lalaki at wala talaga siyang reklamo sa kaniyang ugali.


Napakabait din nito sa kaniya kung kaya naman talagang mahal na mahal niya ito. Ngunit isang araw ay dumating na lamang sila sa puntong hindi na sila nagkakaintindihan pa at bagamat mahal nila ang isa’t-isa ay nararamdaman nilang talagang parang mayroong mali.

“Alam mo may nagbago. Hindi ko alam kung anong point sa relationship namin pero alam ko na may problema na kami,” Pahayag ni Baninay.

“After namin mag-break tina-try pa namin ayusin. Akala ko nga babalik na kami sa dati pero may something na hindi mafi-fix kapag hindi ka rin na-fix sa sarili mo. Kumbaga aayusin ko muna sarili ko, aayusin mo muna sarili mo saka tayo mag-usap, parang ganon.” Dagdag pa ng dating PBB housemate.

Source: Youtube




error: Content is protected !!