Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco nagdiwang ng ika-27 taon nilang pagsasama, ibinahagi ang sikreto sa matatag nilang relasyon!



Si Gretchen Castelo Barretto ay isang sikat na aktres at singer sa bansa. Siya ay 50 taong gulang na ngunit talagang marami pa rin ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan.

Mayroon silang anak ng kaniyang common-law partner na si Antonio “Tony Boy” Cojuangco Jr., isang business man. Siya ay si Dominique Cojuangco. Kilala sila bilang isa sa mga mayayamang pamilya dito sa Pilipinas kung kaya naman maraming tao talaga ang nagkakainteres sa kanilang buhay.



Image Capture of Video by Gretchen Barretto via Instagram

Kamakailan lamang ay nagdiwang sila ng ika-27 taon nilang anibersaryo kung saan ibinahagi nila sa publiko ang kanilang sikreto kung paano nga ba sila umabot ng ganito katagal. Makikita sa viral na video nila na nakasuot sila noon ng “pajama” habang hawak ng kanilang anak na si Dominique ang video.






Tinanong sila ni Dominique kung gaano na sila katagal at agad naman itong sinagot ng aktres na 27 taon na silang magkasama. Nang tanungin naman ni Dominique ang kaniyang mga magulang kung ano nga ba ang maipapayo nila sa mga taong gusto ring tumagal ng ganito, agad na sumagot si Tony Boy ng “Always listen to Mama.


The mama is always right.” Nilinaw naman ni Gretchen na ang tinatawag na “Mama” nito ay siya mismo. Kahit pa nga halos magtatatlong dekada na silang magkasama ay hindi pa rin kasal ang dalawa dahil sa hindi pa rin napapawalang-bisa ang kasal ni Tony Boy sa dati niyang asawa na si Denise Yabut-Cojuangco.



Image Capture of Video by Gretchen Barretto via Instagram



Maaalalang noong ika-23 taon ng kanilang pagsasama ay nagbahagi si Gretchen ng pahayag patungkol sa kanilang pag-iibigan. Ayon sa kaniya, bagamat magkaibang magkaiba ang kanilang estado sa buhay at pamilyang pinagmulan ay naging totoo ang kanilang pagmamahalan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto)

Para sa kaniya ay patunay ito na kahit anong bagay o problema talaga ay kayang mapagtagumpayan nang dahil sa wagas na pag-ibig ng dalawang tao para sa isa’t-isa.




error: Content is protected !!