Categories: Viral

Isang mangangalakal sa kalsada, binigyan ng isang libreng “make-over” ng isang professional make-up artist at talaga namang nagulat ang lahat sa kinalabasan ng tranpormasyon na ito!

Talaga namang nakakagulat ang kinalabasan ng make-over transformation na ginawa sa isang lalaking nangangalakal sa lansangan. Ang professional na hairstylist at makeup artist mula sa Angeles City sa Pampanga na si Richard Stranz ang nagmagandang loob sa lalaking ito na magkaroon ng libreng “full make-over”.

Ibinahagi ito ni Richard sa kaniyang YouTube channel noong Pebrero 4. Ayon sa kaniya ay tinanong niya ang lalaking ito kung papayag pa siya sa “make-over” na gagawin sa kaniya ni Richard at kaagad naman itong pumayag.

Madalas nang makita ni Richard ang mangangalakal na si Dennis na dumaraan sa harapan ng kaniyang salon lalo na kung mangongolekta siya ng kaniyang mga kalakal. Nakakalungkot nga lang malaman na inabandona pala si Dennis ng kaniyang pamilya noong pitong taong gulang pa lamang siya at mula noon ay wala na siyang naging balita sa kanila.


Wala siyang tirahan kung kaya naman sa kalsada na lamang siya natutulog. Palipat-lipat din siya ng lugar at tanging pagkolekta lamang ng kalakal ang kaniyang ikinabubuhay.

“Marami naman ako nga natulungan na mga ganun. Lagi ‘yung mga nagbabasura ganyan kasi. Parang malapit kasi ako sa ganyan kasi nga dati rin akong nangangalakal,” Pagbabahagi ni Richard.

Dagdag pa niya ay talagang magaan ang loob niya sa mga taong nangangalakal sa lansangan lalo na kapag nakikita niya kung gaano sila kasipag sa kabila ng kahirapan at pagsubok na kanilang pinagdaraanan. Nang matapos ang make-over kay Dennis ay nagdesisyon silang magkaroon ng munting photoshoot para sa kaniya.

Ngunit laking gulat nila nang mapansin na maaari pala siyang maging isang modelo o di kaya naman ay isang leading man sa pelikula. Matipuno kasi siya at kapansin-pansin din ang kaniyang kagwapuhan.

Marami nga rin ang nagsasabi na kahawig niya ang Hollywood actor na si Chris Patt. Umani ng maraming komento at reaksyon mula sa mga netizens ang larawan na ito ni Dennis. Inulan din naman ng papuri si Richard dahil sa ginawa niyang pagtulong sa dito.

Source: Facebook

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago