Mga “health benefits” ng pagkaing maaanghang tulad ng sili o chili pepper, ating alamin!



Naitampok kamakailan lamang ang mga benepisyo ng pagkain o pagkonsumo ng mga sili o chili pepper. Ibinahagi ito sa Facebook Page ni Doc Willie Ong na isa sa pinakakilalang personalidad ngayon sa social media.

Hinahangaan ng maraming mga Pilipino ang pagnanais ng mag-asawang doktor na sina Dr. Willie Ong at Dr. Liza Ong na tumulong sa abot ng kanilang makakaya. Bukod sa kanilang Facebook page ay mayroon din silang YouTube channel at karamihan sa kanilang kinikita sa mga social media platform ay ipinangtutulong din sila sa kanilang mga tagasubaybay.

Isa nga sa mga impormasyong ibinahagi nila nito lamang Marso 22 ay ang ilang mga posibleng benepisyo ng sili. Narito ang mga anim na posibleng benepisyo ng sili:

    1. Para sa may mga diabetes – Ayon sa pag-aaral sa hayop, posibleng mapigilan ng sili ang pagkakaroon ng diabetes. Nakita din na nagpapababa ng blood sugar ang sili.
    2. Pampapayat – Ang sili ay nagpapabilis ng ating metabolism at nagpapainit din ng katawan. Dahil dito, mas madali tayong makakatanggal ng calories (burning calories) para pumayat.
    3. May tulong cholesterol at sakit sa puso – Ayon sa pag-aaral, maaaring mapigilan ng sili ang pagbabara sa ugat ng puso. Nagpapababa din ang lebel ng bad cholesterol sa ating katawan.
    4. Nagpapaluwag ng baradong ilong dulot ng sinusitis at sipon.
    5. Pang-alis ng sakit sa katawan – Ang sangkap na capsaicin ay puwedeng makaalis ng sakit sa katawan. Ang sili ay ginagawang pampahid sa masakit na joints at arthritis.
    6. Marami pang pinag-aaralang benepisyo ang sili. Nalaman din na posibleng makapigil sa kanser tulad ng prostate c@ncer.

Karagdagang kaalaman din ang kanilang ibinahagi na mayroong sangkap na “Capsaicin” ang sili. Ginagawa itong supplement o kapsula. Mayaman din ito sa Vitamin A, Vitamin C, Potassium, Folic Acid at Fiber.

Mayroon din daw maraming klase ng sili tulad na lamang ng ay kulay dilaw, berde at pula (green pepper, yellow pepper at red pepper). Pinakamabisa daw ang pulang sili.

Pinaalalahanan naman ang may mga sakit na almoranas na kaunti lamang ang kaining sili.

Source: Facebook


Similar Articles

Comments

LATEST POST