Lalaking ipinapasyal ang alaga niyang isda na para bang isang aso o pusa, pumukaw sa atensyon ng publiko!



Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga alagang hayop. Hindi tulad ng ibang mga lahi, marami sa atin ang talagang malapit ang loob sa hayop.

Halos bawat pamilya at bawat kabahayan sa atin ay mayroong alagang aso, pusa, at iba pang klase ng mga hayop. Madalas pa nga na mas mahal pa ang kanilang mga pangangailangan kaysa sa gastos ng kanilang mga amo.



Noong wala pang pandemya sa bansa ay madalas rin tayong makakita ng mga hayop sa loob ng mall kasama ang kanilang mga amo. Namamasyal sila at nagpapalipas ng oras sa mga kilalang establisyemento.

Mayroon ding suot na “diaper” ang mga cute na hayop na ito upang hindi sila magkalat sa mga naturang establisyemento. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang larawan ng isang lalaking ito na mayroong hila-hila na isang isda sa loob ng isang maliit na aquarium.



Hindi makapaniwala ang netizen na si Archie Rdz Miranda sa larawan ng lalaking ito. Mayroon din itong caption na “Akala nyo aso at pusa lang pwede igala”. Maraming mga netizens ang talagang natuwa dahil sa hindi naman talaga pangkaraniwan ang makakita ng isang isda na namamasyal o gumagala sa labas.


Maraming mga netizens ang nagkomento na maaaring dadalhin ng lalaki sa ibang lugar ang isda kung kaya naman mas minabuti na lamang niyang itali ang aquarium nito at lagyan ng gulong. Hindi kasi makakabuti sa isda kung labis itong maaalog kung bubuhatin o hahawakan ito ng lalaki.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring konkretong dahilan kung ano nga ba talaga ang dahilan ng lalaking ito sa kaniyang ginawa. Marami mang mga opinyon ng iba, mas mabuti pa rin na walang nasaktan na hayop sa larawang ito.

Tanging nakakamangha at nakakatuwang larawan lamang ng isang amo na nais ipasyal ang kaniyang alagang isda.

Source: Facebook




error: Content is protected !!