Masipag na vendor ng isaw at fishball kumikita ng Php60,000 sa loob ng isang buwan!



Mahirap ang buhay ngayon lalo na buhat nang maranasan natin ang pandemya, talaga namang maraming mga negosyo ang nagsara at maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho. Ngunit sa kabila ng mga pangyayaring ito ay nakakahanap pa rin tayo ng paraan upang manatiling positibo sa buhay.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang nakakamanghang kwento ng isang vendor na ito. Sa ngayon kasi ay kumikita na siya ng halos Php60,000 sa loob ng isang buwan.

Sadyang napakalaki nito kumpara sa ibang mga empleyado sa ilang kompanya at establisyemento. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na maraming mamangha sa vendor na ito.



Isang netizen na nakilala sa pangalang Aga Ambita ang nagbahagi nito online kung saan ikinagulat niya ang naging usapan ng vendor at ng isang kostumer nito. Nagbigay kasi ang mabait at masipag na vendor ng tinda niya sa mag-inang namamalimos sa lansangan.


Naibahagi din ng vendor na noon ay minamaliit siya ng kaniyang mga kakilala dahil sa kaniyang pagtitinda at sa luma niyang sasakyan. Kung kaya naman ipinangako niya sa kaniyang sarili na magsusumikap siya at magtitiyaga upang maipakita sa mga taong mapanghusga na kaya niya ring maging matagumpay sa buhay kahit pa nga siya ay isang tindero lamang na kanilang minamaliit.

“Sabi ko sarili ko nachallenge ako sa kanila. Kung damdamin ko sinasabi nila bibigat lang dibdib ko. Saka hindi nman nila ako pinapalamon,” sabi ng vendor.

Hindi naman napigilan ni Aga na magsalita at magkomento patungkol sa narinig na kwento mula sa masipag na tindero. Sa ngayon kasi ay kumikita na siya ng halos Php2,400 kada araw o hindi baba sa Php60,000 sa loob ng isang buwan lamang.

“Alam mo ba kuya malaki pa kinikita mo karamihan ng nakakurbata at maporma sa Makati. Tapos wala ka pa 5 hrs nagtinda. Wala ka po boss. hawak mo pa oras mo,” pahayag ni Aga.




error: Content is protected !!