Pahayag ni Lolit Solis nagtataka kung bakit daw tinawagan ni Paolo Contis si Yen Santos sa Baguio?



Nito lang naglabas ng saloobin si Paolo Contis ukol sa issue nyang kinakaharap at talaga namang nag viral ito sa social media. ‘I’m sincerely sorry’: Paolo Contis breaks silence over LJ Reyes breakup, Yen Santos.  Maraming netizens ang nagalit kay Paolo Contis sa nangyari dahil sya daw ay nakipag relasyon kay Yen Santos ayon sa chismis, Dahil sa viral post ni Paolo Contis nagbigay ulit ng pahayag si Lolit Solis. Si Lolit Solis ay parang ina na ni Paolo Contis ayon sa viral post. Nilinaw niya na hindi third party ang aktres na si Santos kagaya ng mga kumakalat sa social media.



Photo by: ysantos (Instagram)

Ayon sa aktor, nakasama lamang niya si Santos na katambal niya sa pelikulang ‘A Faraway Land’ dahil kailangan niya ng kaibigan na dadamay sa kaniyang pinagdaraanan.

Sa column sa dyaryong Pilipino Star Ngayon nitong Biyernes, hindi napigilan ni Solis na magtaka kung bakit ang aktres ang tinawagan ni Contis at hindi kaibigang lalaki.



“Maganda ‘yung composition ng paliwanag ni Paolo Contis. Bagbag damdamin mo. Isa lang ang hindi ko naintindihan, ‘yung kailangan niya ng kausap dahil nga sa mga nangyayari sa kanya ngayon, bakit si Yen Santos ang tinawagan niya?” hirit ni Solis.


Photo by: ysantos (Instagram)

“Wala ba siyang kaibigang lalaki? Hindi ba kadalasan, ang gusto mong ka-jamming ay kapwa mo lalaki dahil ito ang higit na mas makakaunawa sa iyo dahil pareho kayo ng gender?”

Aniya, ito ang nagpataas ng kilay niya nang mabasa ang pahayag ni Contis.

“Doon lang talaga tumaas ang kilay ko, why Yen Santos, mother figure? BFF? Why her?” pahabol nito.

“Timing is very important sa lahat ng bagay, lalo pa sa crisis management. Hindi mo sinasalubong dapat ‘yung galit na one track mind lang, na kahit ano pa ang gawin mo for the moment hindi maiintindihan ng mga taong galit,” saad ni Solis.

“Hintayin mong mag-subside ang galit, saka ka magpaliwanag. Timing. Iyan ang lagi mong tatandaan… Naku, ayoko ng complicated na issue, basta wala sa timing, at hindi kasing smooth ng pagdadala ng crisis ni Gabby Concepcion.”

“Ang dami ng drama ng buhay natin, huwag na natin dagdagan pa. Admitted na nila ang kakulangan nagawa nila, ok na, go on with life,” ani Solis.

Sabi pa ni Lolit, hayaan na lamang ang Diyos ang humusga rito.




error: Content is protected !!