Categories: Viral

Isang guro na minura at binastos ng mga estudyante, ipinagtanggol ng kaniyang anak na naglabas ng sama ng loob sa kaniyang post!

Ang pagiging guro ang isa sa pinakadakilang propesyon sa lahat ng mga propesyon. Marahil ay madalas na nating naririnig ang mga katagang ito mula sa mga nakatatanda sa atin.

Siyang tunay, dahil hindi naman talaga madali ang kanilang trabaho. Bago pa man sila maging ganap na mga guro ay talagang nagpagal sila ang husto at nagsunog ng kilay.

Gumastos din sila at naglaan ng panahon at oras nila upang makamit ang kanilang pangarap na lisensiya. Ngunit nakakalungkot lamang isipin na madalas ay hindi sila nabibigyang-halaga at ang malalala pa rito ay hindi sila nirerespeto lalo na ng kanilang mga estudyante.

Naranasan mismo ito ng ama ni Laire Marie Machacon. Isang Math teacher ang kaniyang ama na si Sir Hands Machacon. Talaga namang binigyang-pugaya at ipinagtanggol niya ang kaniyang ama sa kaniyang social media post.

Ayon kay Laire na isang cabin crew, hindi siya lubos na makapaniwala na babastusin at mumurahin ng mga batang estudyante ang kaniyang ama. Mayroon daw mga nagsabi sa kaniyang ama ng “yawa” na isang uri ng mura, “mamatay na ito”, “animal”, “bobo”, at marami pang masasakit at masasamang salita.

Hindi makatulog si Laire ng mabasa ito at nang tanungin naman niya ang kaniyang ama tungkol dito ay nagkibit-balikat lamang ito. Pagtatanggol naman niya ang kaniyang ama raw ay hindi bobo dahil ang katunayan pa nga nito ay nagtapos ito bilang isang Civil Engineer at Geodetic Engineer.

Topnotcher din ang kaniyang ama. Sinubukan din daw niyang kausapin ang mga magulang ng mga estudyanteng bumastos sa kaniyang ama at tinanong sa mga ito kung alam ba nila ang mga ginagawang ito ng kanilang mga anak at kung ano kaya ang naging dahilan upang maging ganoon ang kanilang mga anak.

Nagtanong din siya sa mga magulang kung anong aksyon ang maaari nilang gawin patungkol dito. Nagpasalamat din naman siya sa mga taong nagpakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa kanilang ama sa kabila ng nangyari.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago