Lalaki mula sa Indonesia, nagpakasal sa isang rice cooker!



Ang pagpapakasal o pag-aasawa ang isa sa mga malalaking desisyon sa buhay na hindi natin dapat madaliin. Talagang kailangan itong pag-isipan ng husto dahil buong buhay mo ang nakasalalay dito.



Dapat ay batid mo kung ano ang iyong pinapasok at kilalang-kilala mo na ang taong iyong mapapangasawa. Sabi nga ng mga matatanda, ang pagpapakasal raw ay hindi tulad ng pagsubo mo ng isang kutsara ng mainit at bagong lutong kanin na maaari mong iluwa na lamang agad sa oras na ikaw ay mapaso.

Sa oras na ikaw ay nagdesisyong mag-asawa na, wala na itong atrasan at wala na itong solian pa sa magulang. Ngunit sa kabila ng mga bagay na ito ay marami pa rin naman talagang nagiging masaya sa buhay may-asawa nila.



Kapag kasi ikaw ay mayroon nang asawa, kayo na agad dalawa ang magkaramay para sa isa’t-isa. Pinag-isa na kayo ng Diyos at hinding-hindi na kayo mapaghihiwalay pa ng kahit na sino.


Talagang mabigat na desisyon ito lalo na sa ating mga Pilipino. Ngunit kamakailan lamang ay naging mainit na usap-usapan ang lalaking ito na mula sa Indonesia.

Hindi kasi siya nagpakasal sa isang babae kundi sa isang rice cooker! Ayon sa ibinahaging mga larawan ng Twitter user na si “@lagidirumah”, ang lalaking nakasuot ng kulay puti ay ang groom na si Khoirul Anam.

Kasama niya at hawak niya ang kaniyang misis na isang rice cooker. Mayroon din itong suot suot na puting belo.

Inulan din naman ng maraming mga komento mula sa publiko ang post na ito. Ayon sa ilang mga netizens, maaaring kasikatan lamang ang nais ng lalaki lalo na at usong-uso ito ngayon sa social media.

Estratehiya lamang daw ito para sa isang YouTube content at upang kumita ng pera. Talaga namang nakakapagtaka kung bakit nanaisin ng isang lalaki na magpakasal sa isang gamit sa bahay tulad na lamang ng isang rice cooker, ngunit sa kabila nito ay mayroon pa rin namang iilan na nagsasabing wala namang problema dito lalo na kung masaya naman ang lalaki sa kaniyang naging desisyon.




error: Content is protected !!