Matandang babae na pagod na pagod na pumasok sa Jollibee, tinulangan at pinakain ng manager at ilang crew!



Marahil ay marami na sa atin ang nakakaranas ng matinding hirap ngayon sa buhay. Kahit anong pagsusumikap natin at pagtitiyaga ay tila hindi pa rin nababago ang takbo ng ating buhay.

Madalas ay sumasapat lamang ang ating buwanang kita sa mga pangunahing bayarin sa bahay. Hindi pa nga kasama rito ang matrikula at marami pang bagay na dapat din nating paglaanan.

Sa kabila ng matinding hirap at sakripisyo natin sa araw-araw para lamang makaraos ay marami pa rin talagang mga Pilipino ang patuloy na gumagawa ng mabubuting bagay para sa kanilang kapwa. Tulad na lamang ng isang manager at ilang mga crew sa kilalang fastfood chain na ito na hindi nagdalawang-isip na tulungan ang isang matandang babae.

Ayon sa kwento ng netizen na si Marold Aquino Anido na siya ring nag-upload nito sa social media, napansin niya ang isang matandang babae na pumasok na pagod na pagod sa loob ng Jollibee kung saan naroroon din siya. Napansin niyang nagtatanong ito sa mga crew kung ano ang maaari niyang bilhin sa halagang P20.



Tutulungan na sana niya ang matanda nang makita niya ang dalawang crew na lumapit at nag-abot ng pagkain sa matanda. Burger steak meal, iced tea at tubig ang inihain nila sa matanda. Masayang masaya naman ang matandang babae at buong pusong nagpasalamat.


Nalaman din niya ang manager pala mismo ang nagbayad ng pagkaing ito ng matanda na siyang ipinadala niya sa mga crew. Hindi araw-araw ay makakakita tayo ng ganitong mga pangyayari, kung kaya naman talagang inspirasyon ito sa publiko.

Hindi naman pala kailangang maging mayaman o maimpluwensiyang tao upang makagawa ng mabuti sa ating kapwa. Sa mga simple at kahit maliliit na bagay ay talagang makakatulong na ng husto sa taong hirap sa buhay.

Tiyak na mas maraming mga Pilipino pa ang namulat sa katotohanan na walang mawawala kung tayo ay magmamalasakit at tutulong sa iba.




error: Content is protected !!