Sunshine Cruz, matapang na ibinahagi ang masasakit na karanasan niya sa piling ni Cesar Montano noong sila ay mag-asawa pa lalo na noong sila ay nasa honeymoon pa!



Si Sunshine Cruz ay isa sa mga pinakasikat na aktres noong dekada ’90. Hanggang ngayon ay isa pa rin siya sa hinahangaang aktres dahil napanatili niya ang angkin niyang kagandahan at kaseksihan sa edad na 44 taong gulang.



Ngunit hindi batid ng publiko na noong siya ay ikinasal kay Cesar Montano sa edad na 24 na taong gulang ay nagkaroon na pala siya ng masasakit na mga karanasan. Hindi daw talaga payag ang kaniyang ama sa relasyon nilang dalawa dahil sa marami ang nagsasabing babaero si Cesar ngunit inakala niyang siya na mismo ang magpapabago dito.


Kinausap pa daw nito ang kaniyang ama at sinabing ang aktres ang magiging dahilan upang tuluyan na siyang magbago para sa ikabubuti ng lahat. Ayon sa aktres, nagpakasal siya sa 38 taong gulang na aktor noon dahil sa batid niyang mahal siya nito.



Malaki man ang agwat ng kanilang edad ay talagang naniwala siyang magtatagal ang sinumpaan nilang pangako sa harap ng altar. Ngunit noong honeymoon pa lamang nila ay itinapon daw nito ang kanilang wedding ring sa harap niya mismo.


Pinipilit din daw nitong totoo ang kaniyang mga scenes noon sa ilang mga pelikula niya na mariin namang itinanggi ni Sunshine. Lumipas pa ang ilang taon at nabiyaan sila ng tatlong mga anak sina Angelina Isabelle, Angel Francheska, at Samantha Angeline.

Inakala ng aktres na magbabago pa ang kaniyang asawa ngunit unti-unti niyang natuklasan ang mga pambabae nito. Isa na diumano sa mga ito ay ang 16 na taong gulang na si Mariana del Rio.

Nasundan pa nga ito ng diuamano ay relasyon niya sa aktres na si Krista Miller. Halos 13 taon ding tiniis ng aktres ang mga mapapait niyang karanasan na ito sa asawa.

Kung kaya naman noong 2013 ay talagang masayang masaya siya dahil ito ang araw na na-annull ang kasal nilang dalawa. Malaya na siyang muli at hindi na muling masasaktan pa.




error: Content is protected !!