Categories: Viral

Isang bata na walang kamay at paa, nagagawa pang manguha ng kahoy upang makatulong sa kaniyang pamilya!

Tila normal na lamang sa marami sa atin ang magreklamo sa araw-araw. Kahit na simple at maliit na bagay lamang ay talagang hindi nakakaligtas sa ating pagrereklamo.

Nakakalungkot mang isipin ngunit marami sa atin ang talagang mas marami pang reklamo kaysa pagpapasalamat sa loob ng isang araw. Ngunit tila wala ito sa kaisipan ng sampung taong gulang na si Franklin.

Naitampok siya ni Virgelyn sa kaniyang YouTube channel na “Virgelyncares 2.0 Official”. Hindi katulad ng ibang mga bata ay wala nang kamay at paa si Franklin.

Ngunit hindi ito naging hadlang upang tulungan niya ang kaniyang pamilya. Sa kabila kasi ng kapansanan niya ay nagagawa pa niyang manguha ng kahoy para lamang mayroon silang panggatong sa bahay.


Nang makita ito ng vlogger na si Virgelyn ay talagang hindi niya napigilan ang maging emosyonal. Kapansin-pansin kasi ang matinding hirap ng bata makakuha lamang ng mga panggatong.

May sugat na rin ang kaniyang binti dahil sa paglalakad niya ng mag-isa sa kakahuyan. Hindi naman daw ito alintana ng bata dahil sa batid niyang gagaling din naman daw ang mga ito.

Ang ina pala niya ay nagtitinda ng isda at kakanin upang makaraos ang buong pamilya nila sa araw-araw. Paglilinaw naman ng nanay ng bata ay hindi naman daw niya pinipilit na magtrabaho ang kaniyang anak.

Nais daw talaga nitong tumulong sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi raw gusto ni Franklin na maiwan na lamang sa kanilang bahay at manatili roon nang walang ginagawa.

Sinabi din ng kaniyang ina na sa kabila ng nararanasan nilang hirap at pagsubok sa ngayon ay hindi niya sinaktan o pinagsalitaan ng masasakit ang kaniyang anak. Dahil sa nais ni Virgelyn na matulungan si Franklin ay binigyan niya ng Php10,000 ang kaniyang ina upang makabili ng kaniyang wheelchair.

Mayroon pang karagdagang Php2,000 para sa pambili nila ng bigas.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago