Categories: Viral

Isang 15 taong gulang na estudyante, namahagi ng tulong sa iba gamit ang kaniyang “scholarship allowance”!

Para sa 15 taong gulang na si Jarred Gaviola, hindi hadlang ang edad o ang estado sa buhay upang makatulong sa iba lalo na sa mga taong mas nangangailangan. Sa kaniyang murang edad ay talagang nagsilbi na siyang inspirasyon sa marami dahil sa kaniyang kabutihang-loob.

Gamit kasi ang kaniyang Php3,000 na “scholarship allowance” ay namahagi siya ng ayuda para sa kanilang lugar. Matalino at talagang mahusay sa eskwela si Jarred kung kaya naman hindi na nakapagtataka na isa siya sa mga iskolar ng Muntinlupa.

Sa pamamagitan ng pera na ito ay nakabili siya ng ilang kahon ng mga kape at gatas. Nagsagawa din siya ng sarili niyang donation drive kung saan ang nalikom na pera ay pinambili naman niya ng biskwit, bigas, at iba pang mga gamit para sa mga taong kaniyang aabutan ng tulong.

Hindi ito ang unang beses na nag-abot ng tulong ang binatilyo sa kanilang lugar kung kaya naman mayroon na ding iilan ang talagang nag-aabot ng karagdagang tulong para sa kaniyang adhikain. Halos nasa dalawang-daang pamilya na rin ang kaniyang natulungan sa Brgy. Tunasan at Brgy. Bayanan.


Maging ang ilang mga utility workers at canteen workers sa kanilang paaralan na Muntinlupa Science High School ay naabutan din niya ng tulong.

“Para po sa akin, ang edad at estado sa buhay ay hindi po dahilan para di makatulong sa kapwa. It started from my own scholarship allowance. Because for me, there are many people who are hungry and needing food. They need more care as time goes by.” Pahayag ni Jarred.


Maraming mga netizens ang talagang naantig ang puso sa ginawa niyang ito. Tunay nga na hindi talaga hadlang ang kahit anong bagay kung gusto mo talagang tumulong sa iba.

Tulad na lamang ng ginawang pagtulong ni Jarred sa kaniyang mga kababayan sa Muntinlupa. Sinong mag-aakala na isang 15 taong gulang na bata ang mangunguna sa ganitong klase ng pagkakawang-gawa?

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago