Alex Gonzaga, ibinahagi sa publiko ang naging masakit na karanasan matapos mawala ang kaniyang ipinagbubuntis!



Si Catherine Cruz Gonzaga-Morada o mas hinangaan at minahal natin bilang si Alex Gonzaga ay 33 taong gulang na aktres, komedyante, businesswoman, host, singer, endorser, at YouTuber. Marami ang humahanga at sumusuporta sa kaniya dahil sa pagiging simple, mabait, at masayahin niya.

Palaging nakikita ng publiko ang pagiging “jolly” ng aktres kung kaya naman laking gulat na lamang ng marami nang mapabalitang nakunan daw ito. Naging kontrobersiyal ang tila walang respetong pahayag ni Lolit Solis ukol dito na diumano ay ginawa raw business ang pagpapalabas ng ganitong balita.

Tinawag pa niyang “very petty” ang hindi pagsasalita ng buong pamilya dahil sa diumano ay nais daw gawin na isang exclusive vlog. Hindi naman napigilan ang asawa ni Alex na si Mikee Morada na magsalita ukol dito.



Ayon kay Mikee ay naging masakit at nakakadismaya ang post na ito ng beteranang showbiz columnist dahil hindi lamang daw ito tungkol kay Alex kundi tungkol sa kanilang mag-asawa. Humingi rin siya ng pagrespeto mula kay Lolit.


Sinabi din ni Mikee na huwag naman daw sanang gawan ng kwento ang sitwasyon nila ngayon lalo na at hindi rin naman alam ang tunay na nangyari. Humingi rin naman ng tawad si Lolit kalaunan at sinabing hindi niya intensyon ang makasakit sa ginawa niyang post.

Napakabigat sa dibdib ang makitang naghihinagpis ang mag-asawa dahil sa pagkawala ng kanilang anak na kailan man ay hindi na nila mahahawakan at masisilayan pa. Marami ang nagpaabot ng pakikiramay at dalangin sa buong pamilya.

Hindi talaga biro ang karanasan nilang ito, kailan man ay hindi mapapalitan o matutumbasan ng kahit anong bagay ang kanilang munting anghel na ngayon ay nasa langit na. Tunay nga na pinatunayan lamang ng mag-asawang Alex at Mikee na mas matatag ang pananalig at pananampalataya nila sa Diyos hindi lamang dahil sa mga biyaya at tagumpay na tinatamasa nila kundi lalo na sa gitna ng napakasakit at napakahirap na pagsubok na ito.

Labis kaming nakikiramay sa pamilya nina Alex at Mikee.




error: Content is protected !!