Isang babaeng kaka-promote pa lamang sa trabaho, nasawi matapos lasunin ng kaibigan na nainggit sa kaniya!



Marami sa atin ang talagang nagpupursige at nagsusumikap sa buhay para sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi naman lahat ng trabaho ay madali lalo na sa panahon ngayon.

Kakailanganin mong maglaan ng oras at panahon, maging ang iyong talento, puso, at isipan ay dapat mo ding ilaan dito dahil sa mas magiging madali ang iyong pagtatagumpay kung isasabuhay mo ang iyong propesyon. Ngunit hindi lahat ng bagay ay sasang-ayon o papabor sa iyo.

Tulad na lamang ng nangyari sa isang babae na ito na kaka-promote pa lamang sana sa trabaho ngunit pumanaw na lamang nang hindi inaasahan. Ayon sa mga nauna nang balita, ang babaeng ito ay nilason ng kaniyang kaibigan.



Magkasabay silang pumasok sa isang kompanya ngunit mas naunang bigyan ng promosyon ang biktima. Hindi akalain ng kaniyang pamilya na magagawa ito sa kaniya ng mismong kaibigan niya!



Ayon sa naging pahayag ng kapatid ng biktima na si Crystal Jane Cosmas ay matalik na kaibigan pa ng kaniyang kapatid ang gumawa sa kaniya ng karumal-dumal na krimen na ito. Dalangin ng buong pamilya ngayon ang katahimikan ng kaluluwa ng kanilang minamahal na kaanak.

Tunay nga na nagsilbi itong aral at babala sa maraming mga netizens lalo na sa panahon ngayon, hindi natin batid kung ang ating mga malalapit na kaibigan ay tunay na nagmamalasakit sa atin o maaaring naghihintay lamang sila na tayo ay pabagsakin, ang pinakamalala pa rito ay ang pagnanais nilang mawala tayo sa kanilang landas. Hindi naman masamang magtiwala sa ating mga kaibigan, katrabaho o kamag-anak ngunit dapat sa ating mga sarili ay maging mapanuri at maingat din tayo.

Hindi lamang para sa ating kaligtasan ngunit para na rin sa ating mga mahal sa buhay. Hustisya ng sigaw ng pamilya ng nasawi dahil lamang sa matinding inggit ng isang kaibigan. Ikaw, sigurado ka ba sa iyong mga kaibigan ngayon?




error: Content is protected !!