Isang babaeng kakapanganak pa lamang, kasama ang kaniyang sanggol na nakatira sa isang maliit na kariton!



Hindi madali ang magbuntis at manganak lalo na sa panahon ngayon ng pandemya. Napakaraming mga bayarin na tila ba wala nang katapusan at hindi rin madali ang pinagdaraanan ng ina pagdating sa pisikal na pangangatawan at mental na kalusugan nito.

Kung kaya naman talagang kailangan nila ng sapat at wastong pag-aalaga. Mahalaga rin ang maitutulong ng pagkakaroon ng isang maayos na tirahan at kapaligiran.

Ngunit para sa isang babaeng ito na kakapanganak pa lamang kasama ang kaniyang munting sanggol ay sapat na muna ang manirahan sila sa isang masikip na kariton. Isang mabuting netizen ang nagkakita sa mahirap na kalagayan ng mag-anak.



Habang si Allen Malergo ay naglalakad sa Malolos, Bulacan ay namataan niya ang isang kariton na mayroon palang bagong silang na sanggol kasama ang ina nito. Tinanong naman niya ang matandang lalaki na kasama rin ng mag-ina kung ang bata ay kaniyang anak, masaya itong sumagot at sinabing “oo” anak nga niya ang napakacute na sanggol.


Ayon sa kwento ng matandang lalaki ay sampung araw pa lamang silang nakalalabas ng ospital matapos manganak ng kaniyang asawa kung kaya naman sa ngayon ay namamahinga at nagpapalakas pa ito. Tinanong din ni Allen kung paano sila nakalabas ng ospital at sinabi naman nitong mayroong tumulong sa kanila kung kaya naman agad silang nakalabas.

Tinanong din niya kung paano nakakaraos ang pamilya lalo na at mayroon na silang sanggol ngayon na madalas ay naghahanap ng gatas. Sa ina lamang daw ito dumedede dahil sa wala silang pambili ng formula milk nito.

Dahil sa mahirap na kalagayan ay hindi na nagdalawang-isip pa si Allen na abutin kahit kaunting halaga lamang ang mag-anak. Humingi rin siya ng tulong sa maraming mga netizens kung sakaling mayroong mabuting puso na gusto pang tumulong sa pamilyang ito.

Buti na lamang at marami pa ring mga tao sa mundong ito ang hindi nagdadalawang-isip na tulungan ang kanilang kapwa kahit pa nga maging sila ay mayroon ding sarili nilang dalahin sa buhay.




error: Content is protected !!