Isang milyonaryo nagpanggap na mahirap upang mahanap ang babaeng karapat-dapat sa kaniya!



Si Justin ay 26 na taong gulang na. Masasabing asensado na rin siya sa buhay dahil sa talagang maganda ang takbo ng kaniyang milk tea business. Maliban dito ay maganda rin ang kaniyang trabaho bilang isang accountant sa isang kilalang kompanya sa Maynila.

Nasa kaniya na ang lahat ng materyal na bagay ngunit parang mayroon pa ring kulang sa kaniyang pagkatao. Hindi kasi siya masaya sa buhay niya ngayon ay parang mayroon siyang hinahanap pa upang makumpleto ito.

Doon sumagi sa kaniyang isipan na panahon na rin upang magkaroon ng taong mamahalin niya habang buhay. Dahil sa gusto niyang masiguro na hindi lamang pera ang habol sa kaniya ng babaeng magugustuhan niya ay nakaisip siya ng isang magandang plano.

Nag-download muna siya ng isang dating app kung saan hindi niya inilagay na siya ay isa nang milyonaryo, mayroong magandang trabaho at matagumpay na negosyo. Nagpanggap siyang isang mahirap lamang hanggang sa nagkakilala sila ni Amanda sa naturang dating app.
Maganda at simpleng babae lamang siya. Nagtatrabaho siya sa isang BPO company sa Maynila. Naging madalas pa ang pag-uusapan nila hanggang sa nagkasundo na silang magkita.

Niyaya ni Justin sa isang mamahaling restawran ang dalaga upang kumain. Dito ay nagpanggap siyang naiwanan ang kaniyang pitaka nang magbabayad na sila ng kanilang kinain.

Habang kunwaring hinahanap niya ang kaniyang pitaka ay agad namang kinuha ni Amanda ang bill at sinabing siya na ang magbabayad. Nagulat si Justin dahil nakangiti pa itong ginawa ng dalaga.

Nagpatuloy pa ang kanilang lakad ngunit hindi nagbago ang pakikitungo ng dalaga sa kaniya. Hindi rin doon natapos ang kanilang pagkikita at pagkakamabutihan dahil nasundan pa ito ng marami pa.

Nang minsang inamin ni Justin ang totoo niyang pagkatao kay Amanda at sinabi ang dahilan kung bakit niya ito nagawa ay agad naman siyang naunawaan nito. Tunay nga na sigurado na si Justin na si Amanda ang babaeng para sa kaniya.




error: Content is protected !!