Categories: Viral

Isang Taho vendor, pasan ang kaniyang anak habang naglalako ng taho sa bahay bahay!

Ang pagiging isang magulang ay hindi madali. Kung noon kasi ay komportable na tayo na sarili lamang natin ang ating iniisip, ngayon ay mas kailangan nating unahin ang kapakanan ng ating mga anak. Mas kailangan nating siguraduhin na sila ay ligtas, masaya, at malusog.

Ngunit hindi rin naman lahat tayo ay mayroong masaya at kumpletong pamilya. Mayroon tayong kaniya-kaniya nating pinagdaraanan.

Tulad na lamang ng isang nakakaantig na kwentong ito ng Taho vendor na si Richard Paclibare. Minsan siyang nakita ng netizen na si Jam Perry Branh na siyang kumuha ng ilang mga larawan niya kasama ang kaniyang maliit pang anak.


Sa kaniya kasing paglalakad at paglalako ng Taho ay kasama niya rin ang kaniyang anak, pasan-pasan ito sa kaniyang likuran. Hindi alintana ng ama ang hirap at pagod kahit pa nga dala-dala niya ang kaniyang panindang Taho at pasan ang kaniyang anak.

Maliban dito ay mayroon pa siyang hawak na payong upang masigurong hindi gaanong maiinitan ang kaniyang anak. Tunay nga na hindi napigilan ng maraming mga netizens ang mag-alala sa kalagayan na ito ng mag-ama.

Ngunit walang ibang pagpipilian si Richard dahil ang kapatid niyang tumitingin sa kaniyang anak ay wala ng mga araw na iyon kung kaya naman kinailangan niyang dalhin ang kaniyang anak sa kabila ng panganib ng pandemya. Kapatid niya ang tanging nagbabantay sa kaniyang anak dahil sa iniwanan na sila ng kaniyang asawa at hindi na niya batid kung nasaan ito.

Marami din naman ang mga taong nagnais tulungan ang mag-ama sa abot ng kanilang makakaya. Ang pagtataguyod sa isang pamilya ay talagang mahirap. Ngunit hindi na nagreklamo pa si Richard.

Sa halip na malungkot, magreklamo at mawalan ng pag-asa ay talagang mas nagpakatatag siya para sa kaniyang anak. Hindi kailan man masusukat ng kahit sino ang pagmamahal niyang ito sa kaniyang anak.

Talagang isa siyang dakilang ama hindi lamang sa mata ng marami kundi lalo na para sa kaniyang “unica hija”.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago