Matandang mag-asawa na nakatira na lamang sa isang maliit na tolda, tila nalimutan na ng mga anak matapos na makapunta ang mga ito sa Maynila!



Maraming mga netizens ang talaga namang naging emosyonal nang makita ang mahirap na kalagayan ng mag-asawang ito sa Linabuan Norte, Kalibo, Aklan. Ang matandang mag-asawa kasi ay sa isang maliit na tolda na lamang nakatira.

Halatang-halata rin sa kanilang pangangatawan ang kakapusan sa pagkain dahil sa napakapayat talaga nila. Isang video ang ibinahagi mismo ng radio broadcaster na si Archie Hilario kung saan binisita nila ang mag-asawa at nasilayan nga nila ang mahirap nilang sitwasyon.

Sa tagpi-tagping tolda na lamang naninirahan ang mag-asawa, talagang nagtitiis sila sa sikip ng lugar na ito para sa kanilang dalawa. Nang tanungin sila kung nasaan na ang kanilang pamilya ay naibahagi nilang mayroon silang dalawang mga anak na babae ngunit nang makapunta na ang mga ito sa Maynila ay hindi na ito nagparamdam pa sa kanila.

Mayroon din silang isa pang anak na malapit sana sa kanila ngunit dahil mayroon na rin itong sarili niyang pamilya ay hindi na sila humihingi pa ng tulong dito. Naibahagi din ng mag-asawa na hindi naman talaga masama ang loob nila sa kanilang mga anak kung nakalimutan man nila ang kanilang mga magulang.


Nais lamang nilang makatanggap ng liham mula sa mga ito at nang malaman nila kung ayos pa ang kanilang kalagayan.

“Hindi naman sumasama ang loob ko sa kanila, bakit naman nila kami ginato, ni hindi nila kami pinapadalhan, kahit sulat lang. Kahit padalhan nila kami ng sulat lang masaya na ako. Kahit sulat o sa Facebook lang makita namin sila, sasaya na kami.” Pahayag ng lola.

Napakasakit para sa mga magulang na makalimutan na sila ng kanilang mga anak. Dahil kahit na anuman ang marating ng mga anak na ito, utang nila ang lahat sa kanilang mga magulang na nag-aruga sa kanila.

Kung kaya naman nagsilbi na rin itong paalala sa maraming mga anak na kung hindi man maayos ang kanilang relasyon sa kanilang mga magulang, maaari pa rin nama nitong maayos kung talagang nanaisin nila. Dapat nating bigyang pagpapahalaga ang ating pamilya at ang paggalang natin sa ating mga magulang.




error: Content is protected !!